MALUGOD na iniimbitahan ng Sentro ng Wikang Filipino Unibesidad ng Pilipinas ang lahat sa Panimulang Programa at Panayam sa UP Palisi sa Wika na pinagamatang, “UP Palisi sa Wika: Nakaraan, Kasalukuyan, at Hinaharap” gaganapin sa Agosto 27, 2023, sa ganap na 10-12 n.u. sa UP Manila Theater.
Ito ay ang pambungad na programa ng UP Manila para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon. Ito rin ay bahagi rin ng paggunita sa ika-35 anibersaryo ng pagkakalunsad ng UP Palisi sa Wika. Ang ating pangunahing ispiker sa programang ito ay si Prop. Jayson Petras, PhD, ang direktor ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman.
Ito ay bukas sa lahat ng empleyado at mag-aaral ng UP Manila.
Para sa mga susunod na detalye, manatiling nakasubaybay sa aming Facebook page: