UPANG malinawan ang isyu ng tumataas n bilang ng contractual employees sa pamahalaan, dumalo si Senador Joel Villanueva sa pagdinig area sa budget ng Department of Budget and Management at iba pang mga ahensya.
Kuwento ni Sen Villanueva sa kanyang Facebook page, “Dumalo po tayo sa pagdinig para sa budget ng Department of Budget and Management at iba pang mga ahensya upang bigyang linaw ang isyu ng tumataas na bilang ng contractual employees sa pamahalaan sa kabila ng datos na isa sa bawat sampung posisyon sa gobyerno ay bakante. Bukod po rito, inalam rin po natin sa DBM at MMDA ang estado ng flood control program para sa Metro Manila.”