28.6 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

Panukalang budget ng DoST suportado ni Sen Zubiri

- Advertisement -
- Advertisement -

NANGAKO si Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri na susuportahan niya ang panukalang budget ng Department of Science and Technology dahil sa napakahalagang tungkulin nito sa bansa.

Aniya, “Napakahalaga po ng scientific research and development sa iba’t ibang aspeto ng ating pamumuhay, gaya ng disaster management, food and agriculture, communications, energy, health and medicine, at security and defense.

“Kaya naman napakarami po nating napag-usapan sa ating pinamunuang hearing kanina, para sa budget ng Department of Science and Technology at mga attached agencies nito.

“Buo ang ating suporta sa science and technology sector, at masugid nating ilalaban ang kanilang budget pagdating sa plenaryo.

“Maraming salamat kay Sec. Renato Solidum at sa lahat ng officers ng DoST at ng attached agencies nito na nakasama natin sa ating hearing.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -