33.5 C
Manila
Lunes, Abril 21, 2025

Senator Cynthia Villar, ipinanalo ang 6 na bagong lokal na Hatchery Bills 

- Advertisement -
- Advertisement -

SA patuloy na pagsisikap na isulong ang aquaculture sector ng bansa at paigtingin ang food security, ini-sponsor ni Sen. Cynthia Villar ang anim pang local fish hatchery bills sa Senate session noong September 10, 2024.

Layunin ng bills na ito na magtayo ng multi-species marine hatcheries at aquaculture centers sa mga munisipaliaf ng Pilipinas.

Ang mga sumusunod ang karagdagang hatchery bills:

1. House Bill No. 3092 (Committee Report No. 194) na nagtatayo mg Multi-Species Marine Hatchery sa Municipality ng Liloy, Zamboanga del Norte.

2. House Bill No. 6338 (Committee Report No. 196) na nagtatayo ng Multi-Species Marine Hatchery sa Municipality ng Talacogon, Agusan del Sur.

3. House Bill No. 7499 (Committee Report No. 198) na nagtatayo ng Multi-Species Marine Hatchery sa Zamboanga City.

4. House Bill No. 6337 (Committee Report No. 195) na nagtatayo

ng Multi-Species Marine Hatchery sa Municipality ngBaybay, Leyte.

5. House Bill No. 7296 (Committee Report No. 199) na nagtatayo ng Coastal Aquaculture Center para suportahan at ayusin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources’ Northern Mindanao Brackish Water Aquaculture Fish Farm sa Lala, Lanao del Norte.

6. House Bill No. 7300 (Committee Report No. 197) na nagtatayo ng Multi-Species Marine Hatchery sa Municipality ng Minalabac, Camarines Sur.

“These hatchery projects are crucial in addressing the shortage of fish seedlings, a key element for the growth and sustainability of our aquaculture sector,” ani Villar.

Iginiit niya ang kahalagahan ng mga hakbang na ito hindi lamang sa aquaculture industry kundi para tiyakin din na may access ang mga Pilipino sa abot kaya at masusustansiyang pagkain.

Inihayag ni Villar na kritikal na hakbang ang bills para mabawasan ang kahirapan lalo sa rural areas at isulong ang economic development.

“With these measures, we are not just passing legislation; we are taking decisive steps to uplift rural communities and combat poverty,” sabi pa ni Villar.

“The six hatchery bills are expected to contribute to the nation’s overall food security, particularly by increasing the supply of fish products and supporting local fisherfolk,” dagdag pa niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -