NILAGOM ni Senador Joel Villanueva ang mga tampok na nangyari sa Senado.
Sabi niya, “Karangalan po nating maging co-sponsor ng resolusyon para kilalanin ang 2024 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos na binubuo ng mga guro, sundalo at pulis. Hindi po matatawaran ang kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng ating bansa sa kani-kanilang larangan.
“Nag co-sponsor rin po tayo ng resolusyon para kilalanin ang paggawad ng French Republic ng Order of the Legion of Honour Officer rank kay Tita Ganda/ Senator Loren Legarda.
“Tinalakay rin po sa plenaryo ang ilang mga panukala katulad ng E-Governance Act, Amendments to the BCDA Act, Metro Bataan Development Authority Act, at Modifying the Grounds for Substitution of Candidates at Philippine Natural Gas Industry Development Act.”