26.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 7, 2024

Cayetano iginiit ang matibay na pundasyon para sa FIVB 2025 sa Pilipinas; PBBM nakiisa sa pagbubukas ng countdown

- Advertisement -
- Advertisement -

HABANG naghahanda ang Pilipinas para sa solo hosting ng FIVB Volleyball Men’s World Championship Philippines 2025, binigyang diin ni Senador Alan Peter Cayetano ang kahalagahan ng pagtatayo ng matibay na pundasyon – hindi lamang para sa sports hosting kundi para rin sa pagbuo ng mga komunidad at pagbabago ng bansa.

Samantala, nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama ang kanyang bunsong anak na si William Vincent Araneta Marcos na magsisilbing chairman ng Executive Board ng Local Organizing Committee, sa “PH to Serve: A Concert for the One-Year Countdown ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025” sa Malacañang nitong Linggo, Setyembre 15, 2024.
Gaganapin ang tournament mula Setyembre 12, 2025 hanggang Setyembre 28, 2025 sa SM Mall of Asia Arena at Smart Araneta Coliseum, kung saan 32 national teams, kabilang ang Alas Pilipinas, ang maglalaban para sa championship.
Sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Louise Araneta Marcos at iba pang miyembro ng First Family, at Senador Allan Peter Cayetano sa ginanap’PH to Serve: A Concert for the One-Year Countdown to the Philippine Hosting of the FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025′ sa Kalayaan Grounds sa Malacañan Palace nitong Setyembre 15, 2024. Mga larawan mula sa Presidential Communications Office

“We all know that to do all of those you need a good seed, a good soil, and a right environment,” wika ni Cayetano, chairman emeritus ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF), sa kanyang mensahe nitong September 14, 2024 para sa Drawing of Lots (DOL) ng championship na ginanap sa Solaire Resort.

“We know that volleyball is a good seed. It’s an instrument to change the world, the individual, team, school, and the community,” dagdag niya.

Pinuri ng senador ang kakayahan ng bansa sa pagho-host ng mga international sporting events tulad ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games, 2023 FIBA Basketball World Cup, at AVC Women’s Challenge Cup nitong Mayo kung saan nanalo ng bronze medal ang Women’s National Volleyball Team, Alas Pilipinas.

“You’ve seen the seed of women’s volleyball in the country and how it’s grown, you’ve seen the seed in the Philippines, you’ve seen the good soil,” sabi niya.

Ibinida rin ni Cayetano ang lumalaking fanbase ng bansa para sa sports. Ayon sa senador, hindi lamang ang national team ang sinusuportahan ng mga Pilipino kundi pati na rin ang mga katunggali nito mula sa ibang bansa.

“You want to know our secret? The legendary hospitality of the Philippines. One of the few countries where everyone cheers not only for their country,” wika niya.

Kasama ang kanyang mga kapwa Local Organizing Committee (LOC) co-chairs na sina William Vincent “Vinny” Araneta Marcos, PNVF President Ramon “Tats” Suzara, Senador Pia Cayetano, at Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, inilunsad ni Cayetano ang one-year countdown patungo sa championship.

Nagbigay ng katiyakan si Cayetano na ang FIVB Volleyball Men’s World Championship Philippines 2025, na nagsimula nitong Setyembre 12 hanggang 28, ay naging unique at memorable.

“Allow us through actions to show you our gratitude. Please wait and see what we can do with the good soil and seed of the Men’s World (Volleyball) Championship 2025,” sabi ng senador.

Sa isang panayam pagkatapos ng event, ibinahagi ng senador kung ano ang mga magagandang maidudulot ng pagho-host ng championship hindi lamang sa bansa kundi sa mga atleta at sports community.

“We’re hoping that this will give so much opportunities for the country. And y’ung hosting, grabe ‘yan. Eight hundred million fans worldwide – kahit saan mo tingnan (it’s a) win-win for us,” sabi niya.

“We need things like this. Sports is something we can really use for transformation,” dagdag niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -