INAANYAYAHAN ng Komisyon sa Wikang Filipino na lumahok ang mga pamahalaang lokal (LGUs) na lumahok sa Salinayan 2024: Online Seminar-Training sa (Tuon sa Pagsasalin ng Gabay ng Mamamayan) na isasagawa sa Setyembre 24-26, 9:00nu-3:00nh na isasagawa sa pamamagitan ng ZOOM.
Layunin ng Salinayan na linangin ang kaalaman at kasanayan ng mga empleado ng mga yunit ng pamahalaang lokal hinggil sa pagsasalin ng mga gabay ng mamamayan (Citizen’s Charter) at iba pang materyales pampamahalaan gamit ang wikang Filipino at maging mabisang kasangkapan sa mas episyenteng komunikasyong tuon sa serbisyo at pangkalahatang publiko.
Tatanggap lamang ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng opisyal na intensiyon sa paglahok hanggang Setyembre 19, 2024 (Huwebes) sa pamamagitan ng pagsagot sa https://forms.gle/ eNh3un8mKhouRGR27. Makalipas ang rehistrasyon, magpapadala ng pabatid ang KWF kung isa kayo bilang kinatawan ng inyong opisina sa nakapasok sa limitadong bilang ng inaasahang kalahok sa isasagawang seminar-training.
Ang Salinayan 2024: Seminar-Training sa Pagsasalin ay isa sa mga pagsasanay na ibinibigay ng KWF sa pangunguna ng Translation Division (Sangay ng Salin). Ang gawaing ito ay suportado ng mga kaugnay na kalatas na makikita sa: