KINUWESTYON ni Senator Raffy Tulfo ang sitwasyon ng nasa 6,038 DSWD social workers na deka-dekada nang nagseserbisyo sa kagawaran ngunit hanggang ngayon ay contractual o job order employees (JO) pa rin.
Ayon kay Sen. Idol, hindi katanggap-tanggap ang kawalang aksyon dito dahil nakaraang taon pa niya isiniwalat ang isyung ito.
Kaya naman iminungkahi na ni Sen. Tulfo na ipatawag sa susunod na pagdinig si DBM Sec. Amenah Pangandaman para mapaliwanagan ang komite ang kanilang gagawing aksyon alang-alang sa mga kawawang contractual at JO employees na ni minsan ay di man lang nakakatikim ng regular employee benefits.