SA pagdiriwang ng ika-63 na anibersaryo ng Philippine Constitution Association (Philconsa), nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sama-samang pagsulong sa Saligang Batas, tungo sa Bagong Pilipinas kung saan naitataguyod ang boses at karapatan ng bawat Pilipino.


Bilang bahagi ng selebrasyon, nanumpa sina First Lady Louise Araneta-Marcos, Chief Justice Teresita de Castro, at Atty. Michelle Lazaro bilang mga bagong miyembro ng organisasyon.