MGA Mommy at Daddy, ihanda ang inyong mga anak para sa ating Bakuna Eskwela.
Ito ay programa ng Kagawaran ng Kalusugan (DoH) sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), na layuning protektahan ang mga kabataan laban sa mga sakit na maaaring iwasan sa pamamagitan ng bakuna tulad ng Measles, Rubella, Tetanus, Diphtheria, at Human Papilloma Virus (HPV).
Ngayong Oktubre, pabakunahan na ang inyong mga anak sa mga public elementary schools. Pirmahan na ang consent form para sila ay mapabakunahan!
Ligtas, epektibo, at libre ang mga bakunang ito.