26.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 7, 2024

Annual social pension ng mga PWDs sa Calapan, ipapamahagi na

- Advertisement -
- Advertisement -

INIHANDA na ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD) ang pamamahagi ng annual social pension para sa mga persons with disabilities (PWDs) sa lungsod na ito sa mga susunod na araw.

Ayon sa CSWDO, tatanggap ng P1,000 ang bawat PWD matapos dumaan sa masusing ebalwasyon at balidasyon.

Ayon pa sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO), sa kabuuang bilang ng mga kasapi ng PWDs mula sa 62 barangay sa lungsod na 3,820, aabot lamang sa 3,400 ang makakatanggap ng pension.

Sinabi ni Konsehala Marian Tagupa, malaking tulong ang nasabing ayuda sa mga taong may kapansanan na mabawasan ang kanilang gastusin sa pagkuha ng mga kailangang dokumento para sa kanilang kakaharaping pangangailangan.

Ang nasabing pamamahagi ng tulong pinansyal ay ayon sa City Ordinance No. 94, series of 2021 o “An ordinance providing financial assistance to City of Calapan’s person with disability residents and appropriating funds”  na iniakda ni City Councilor Marian Teresa Tagupa.

Nakasaad sa nasabing ordinansa na ang pamahalaang lungsod ng Calapan ay magbibigay ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P1,000 kada taon sa mga kwalipikadong residente at kasapi ng PWDs.

Samantala, pasado na rin sa konseho ng lungsod ang City Ordinance No. 115, series of 2023 o “An ordinance exempting all persons with disability (PWD) from payment of birth certificate, marriage certificate and death certificate including authentication thereof in the local civil registry of the city of Calapan.”

Dito naman sa ordinansang ito nakasaad na wala nang babayaran ang mga PWDs sa lungsod ng Calapan sa pagkuha ng mga dokumento mula sa local civil registry. (DN/PIA MIMAROPA-Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -