26.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 7, 2024

Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, makatutulong puksain ang smuggling sa Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -

PINURI ni Senador Loren Legarda ang pagsasabatas sa Republic Act No. 12022, o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na naglalayong maglapat ng bagong hakbang laban sa smuggling.

Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang panukalang batas nitong Huwebes, Setyembre 26, sa Malacañang. Layon ng batas na bawasan ang smuggling, profiteering at hoarding ng produktong agricultural sa bansa.

“Tayo ay nagagalak na napirmahan ang panukalang batas na ito, na naglalayong pababain ang presyo ng pagkain, at paramihin ang pagkain sa hapag ng pamilyang Pilipino sa pang-araw-araw,” pahayag ni Legarda, author ng batas.

“Sa tamang pagpapatupad ng batas na ito, ang bansa ay magkakaroon ng mas mabisang kapangyarihan na hulihin, kasuhan, at parusahan ang mga mapang-abusong mga kawatan sa ating mga magsasaka,” dagdag pa niya.

Ang agricultural smuggling, hoarding, profiteering, pag-cartel, at financing ng mga krimen ay ikokonsiderang economic sabotage, na may parusang habambuhay na pagkakakulong, pati triple sa kabuaang halaga ng produktong nagamit sa krimen.

Ang pagtulong sa krimen ay papatawan rin ng 20 hanggang 30 taong pagkakakulong, pati ang multa ng doble ng halaga ng produktong nagamit.

Magkakaroon rin ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Council na sisigurado sa tamang pagpapatupad ng batas.

Si Senator Cynthia Villar and author at principal sponsor ng RA 12022.

“Ang ating hangad ay makapagtaguyod ng mas magandang buhay sa ating mga magsasaka, na nasasamantala ng mga mandarayang negosyante, at nasasalanta ng mga delubyo taon-taon,” ani Legarda.

“Sa bagong batas na ito, ang paglikom ng buwis ay lalaki dahil sa mas maraming legal na produktong ibebenta sa merkado.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -