NAG-FILE ng kanyang Certificate of Candidacy si Senador Nancy Binay na tatakbong mayor ng Makati sa May 12, 2025. Ayon sa kanyang post sa Facebook page niya, “Una ang Makati.”

Nagpasalamat din siya sa kanyang mga tagasuporta, “Maraming salamat po sa atin pong mga kababayan sa Makati. Nakakataba po ng puso ang inyong mainit na pagtanggap at ipinakitang suporta sa akin po, pati na po sa aking mga kasama.
“Kasama ko po si Vice Mayor Monsour del Rosario, at ng atin pong masisipag na konsehal ng Districts 1 & 2, nariyan po ang aming dedikasyon at pangako na iangat at palawakin ang Serbisyong Binay na may puso’t kalinga.”