MULING hinimok ni Senator Kuya Bong Go, Chairperson ng Senate Committee on Health, ang PhilHealth na tuparin ang kanilang mga pangakong palawakin ang benepisyo at bigyang-priyoridad ang preventive care sa ginanap na pagdinig sa Senado nitong Miyerkules, October 2.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni Senator Bong Go ang agarang aksyon mula sa PhilHealth, kabilang ang pagtaas ng case rates, pagbibigay ng libreng gamot, at pagsama ng dental at optical care, pati na rin mga assistive devices sa mga benepisyo. Pinunto rin niya na pera ng tao ang ginagamit ng PhilHealth at hindi dapat ipagwalang-bahala ang mga benepisyong ipinangako.
Bukod dito, tinalakay ang mga panukalang batas ukol sa pagtatatag, rationalization, at pagpapataas ng bed capacity ng mga DoH Hospitals.
Nagbigay rin ng mga update ukol sa pagbabayad ng Health Emergency Allowance, implementasyon ng Malasakit Centers Act, at pagpapatupad ng Philippine Health Facility Development Plan 2020-2040.