29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Pagbaba ng approval at trust ratings nina VP Sara at Pangulong Marcos Jr., alamin

- Advertisement -
- Advertisement -

 BAGO ang unang araw ng filing ng Certificate of Candidacy ng mga kandidato para sa Eleksyon 2025, isang mahalagang survey ang inilabas ng Pulse Asia noong gabi ng Setyembre 30, 2024, na nagpakita ng pagbaba ng mga approval at trust ratings ng mga pangunahing opisyal ng gobyerno, sina Vice President Sara Duterte at Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Bumaba ang national ratings ni VP Sara subalit siya pa rin ang may pinakamataas na approval at trust ng karamihang Pilipino, ayon sa survey ng Pulse Asia.

Ang Pulse Asia ay isang kilalang research organization sa Pilipinas na nag-aaral at nagsasagawa ng mga survey tungkol sa opinyon ng publiko. Itinatag ito noong 1999 at nakatuon sa mga isyu tulad ng politika, ekonomiya, at mga social issues.

Kadalasan, ginagamit ang mga resulta ng kanilang mga survey upang matukoy ang mga approval ratings ng mga opisyal ng gobyerno, mga pananaw sa mga patakaran, at iba pang mahalagang impormasyon na may kinalaman sa mga opinyon ng mga Pilipino.


Pagsusuri ng Pulse Asia Survey

Ayon kay Ronald Holmes, presidente ng Pulse Asia, ang mga resulta ng kanilang survey na isinagawa mula Setyembre 6 hanggang 13, 2024, ay nagpapakita ng “statistically significant” na pagbaba ng mga rating ni Vice President Sara Duterte. Subalit marami pa ring Pilipino ay naniniwala at aprubado pa rin ang kanyang performance.

Ang kanyang approval rating ay bumaba mula 69% noong Hunyo patungong 60% ng Setyembre. Ang trust rating naman niya ay bumagsak mula 71% noong Hunyo patungong 61% ng Setyembre.

Si Holmes ay nagbigay ng paliwanag na ang pagbagsak ng mga rating ni Duterte ay maaaring dulot ng mga isyu sa kanyang proposed budget, partikular ang kontrobersyal na P10 milyong pondo para sa kanyang aklat pang-bata na “Isang Kaibigan.”

- Advertisement -

Ang mga isyung ito ay naging dahilan upang ang kanyang trust at approval ratings ay maapektuhan, lalo na sa mga rehiyon ng Metro Manila at Luzon.

Idinagdag pa niya na bagama’t ang approval rating niya sa Visayas ay bumaba sa 9%, malakas pa rin ang kanyang approval rating doon na umabot sa 71%.

Ayon sa obserbasyon si Edmund Tayao, isang political analyst,  ang pagbaba ng rating ni Duterte ay dahil sa mga “pronouncements” at aksyon na kanyang ginawa kamakailan.

Ang “pronouncements” ay tumutukoy sa mga opisyal na pahayag o anunsyo na ginawa ng isang tao, karaniwang may kinalaman sa mga desisyon, opinyon, o posisyon sa isang partikular na isyu

Ayon kay Tayao, “The significant drop in the case of the vice president may likely be, actually not likely, but most probably because of the many pronouncements and the many actions taken by the vice president recently.”

Samantala, ang mga rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nanatiling “essentially constant,” na parehong nakapagtala ng 50% na approval at trust ratings.

- Advertisement -

Kung ikukumpara kay Duterte, ang kanyang mga rating ay mas mababa. Ang mga ito ay bumagsak mula 53% at 52% noong Hunyo.

Samantala, nanatiling mababa ang approval at trust rating ni House Speaker Martin Romualdez na 32% at 31%, ayon sa pagkakasunod.

Mataas na approval rating

Habang bumababa ang mga rating ng ilang opisyal, may ilan pa ring nakakuha ng mataas na marka. Si Senate President Francis “Chiz” Escudero ay nag-ulat ng 60% approval rating at 56% trust rating, na kanyang inilarawan bilang patunay ng pagtanggap ng mga tao sa kanyang trabaho sa Senado.

Ayon kay Esudero, “My commitment as Senate President is to ensure the Senate continues to work for the people—passing legislation to make the lives of our people easier, help us move faster and make our people’s burdens lighter,”

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -