25 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 7, 2024

Pahayag ni Senate President Escudero sa pagsasabatas ng Magna Carta of Filipino Seafarers

- Advertisement -
- Advertisement -

ISA na pong ganap na batas ang Republic Act 12021 o ang Magna Carta of Filipino Seafarers sa paglagda ni Pangulong Marcos nitong Lunes (Sept. 23) sa Malakanyang.

Matagal po natin itong hinintay at nakikiisa ang Senado sa ating mahigit kumulang na kalahating milyong Pilipinong manlalayag na nagdiriwang dahil pagkakaroon nila ng Magna Carta.

Pinasasalamatan ko rin ang aking mga kapwa mambabatas sa Senado at House of Representatives na nagsulong ng panukalang ito.

Ang mga Pilipinong marino ay mahalagang bahagi ng operasyon ng global maritime industry dahil sila ay kumakatawan sa isang-kapat ng lahat ng mga opisyal at tripulante sa mga barko sa buong mundo.

Pinapanatili nila ang paglalayag ng mga barko sa buong mundo. Nararapat lamang na sila ay pagkalooban ng lahat ng karapatan at proteksyon sa ilalim ng batas. Sinisiguro ng RA 12021 na walang mapapabayaan na Pilipinong manlalayag kapag may mangyari sa kanila habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, legal man o medikal.

Upang maprotektahan sila mula sa pang-aabuso, nililinaw ng batas ang mga karapatan ng mga marino na kinabibilangan ng karapatan sa makatarungang mga termino at kundisyon ng trabaho; karapatan sa sariling organisasyon at sa kolektibong pakikipagkasundo; karapatan sa edukasyon at pagsasanay sa makatwiran at abot-kayang halaga; karapatan sa impormasyon; karapatan sa impormasyon ng pamilya o susunod na kamag-anak ng isang marino; at karapatan laban sa diskriminasyon.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -