25 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 7, 2024

Child protection policy ng DepEd Mimaropa mas pinaigting

- Advertisement -
- Advertisement -

MAS pinaigting ng Department of Education (DepEd)-Mimaropa ang kanilang child protection policy, partikular na sa bullying.

Ayon kay DepEd-MIMAROPA Regional Director Nicolas Capulong sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ngayong Oktubre 15, ang bullying ay isa sa pangunahing isyu sa mga paaralan base sa Programme for International Students Assessment (PISA).

“One of the findings of PISA ‘yong sa bullying, sinasabi po sa PISA na ang mga bata na naka-experience ng bullying, isa or what so ever ay mababa ang performance nila sa academics, kaya ito ang binabantayan namin. Kaya mayroon po tayong opisina ng child protection,” pahayag ni  Capulong.

Sinabi rin Capulong na kapag mayroong bullying sa mga bata ay agad ipaalam sa kanila upang malaman at matingnan kung ano ba talaga ang nangyari at mabigyan ito ng tamang intervention tulad na lamang ng psychological intervention.

Dagdag pa ni Capulong na kung may nalabag na batas, ay mayroon ding batas na nagsasabi na may kaparusahan kung sino man ang gumawa ng bullying, estudyante man ito o guro.

Kaugnay naman ng pagdidisiplina sa mga bata, sinabi ni Capulong na dapat nagsisimula ito sa tahanan.

Upang matulungan din ang mga magulang sa pagdidisiplina ng kanilang mga anak ay dalawang taon na ngayong ipinatutupad ng DepEd-Mimaropa ang “Parents Academy,” kung saan tinuturuan dito ang mga magulang ng tamang paggabay na kailangan nila upang matugunan ang mga isyung pampamilya na kinakaharap ng mga ito.

Ayon naman kay DepEd Oriental Mindoro Schools Division Superintendent Maria Luisa Servando, may mga protocol na silang ipinatutupad sa paghawak ng mga bullying cases.

“Mayroon na po kaming Child Protection Committee na hinahawakan, nagbibigay po kami dito ng assistance, mga orientation at capacity building on how our Principals would handle ang mga bullying case. Kung may problema po ang mga bata, one of the indicators that we have to address is the well-being and resiliency ng mga bata,” pahayag ni Servando.

Sinabi rin ni Servando na sa Matatag Curriculum ng DepEd ngayon ay mayroon nang Good Manners and Right Conduct (GMRC), homeroom guidance program, mas organisado na rin at mas pinaigting pa ang pagbibigay ng technical assistance ng mga guidance counselor upang matugunan ang anumang problema ng mga bata partikular na sa depresyon at mental health problem. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -