26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

DILG Sec Remulla bumisita sa Pampanga Capitol 

- Advertisement -
- Advertisement -
BUMISITA sa Kapitolyo si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla Jr. para makipagpulong kina Governor Dennis “Delta” Pineda at mga alkalde sa probinsya upang ilatag ang mga bagong programa ng ahensya na magbibigay ng mas mahusay na serbisyo sa mga Pilipino ngayong Biyernes, October 18.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, sinabi ni Remulla na gagawa ang ahensya ng technical working group kasama ang Commission on Audit (COA) at mga LGUs para mapadali ang trabaho ng mga lokal pagdating sa mga pinipirmahang mga dokumento.
Ilulunsad din ang national-based 911 response system para sa mas mabilis at mas epektibong pagresponde ng mga awtoridad sa anumang insidente o pangangailangan.
Ayon kay Remulla, magtutulungan din ang DILG at mga LGU para magkaroon ng capacity building ang bawat lalawigan.
Bukod pa dito, ang awarding ng “Seal of Good Housekeeping” ay gagawin na lamang tuwing dalawang (2) taon upang bigyan ng sapat na panahon ang mga LGU na maghanda.
“Dapat magtulungan tayo, gagawin ko ang lahat para dumali ang buhay nyo, gagawin ko ang lahat para tulungan ang mga tao ninyo, pero magtulungan tayo,” ani ni Remulla.
Nagpakita ng suporta si Gov Delta at mga alkalde sa probinsya sa mga inilatag na mga plano ni Remulla. Nagpaabot din ng pasasalamat ang gobernador sa oras na ibinigay ng kalihim para alamin at pakinggan ang mga pangangailangan sa probinsya.
Ang probinsya ng Pampanga ang unang probinsyang binisita ni Remulla matapos itong itinalaga bilang kalihim ng DILG ngayong Oktubre.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -