30.1 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Lapid: Paglutas sa water crisis, napapanahon na

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Senador Lito Lapid na magtulungan ang pamahalaan at pribadong sektor para masolusyunan ang krisis sa tubig sa Pilipinas.

Sa kanyang mensahe sa 30th PWWA International Conference and Exhibition sa Boracay, inihayag ni Lapid na malaking bahagi ang tubig sa iba’t-ibang sektor at industriya na bumubuhay sa turismo, agrikultura at ekonomiya ng isang bansa.

Ayon kay Lapid, chairman ng Senate Committee on Tourism, hindi pwedeng mawalan ng tubig ang kahit isang bayan kaya dapat mapatatag at maging sustainable ang suplay nito sa buong Pilipinas.

“Para sa ating nakakaalam, may namumuong krisis na kailangan nating pangunahan bago pa man ito maging matinding problema para sa ating bansa,” diin ni Lapid.

“Marami pong lugar na kulang pa sa infrastructure para matugunan ang pangangailangan ng kanilang distrito. Ito ay dahil luma na o kaya ay hindi na kaya dahil sa mabilis na pagdami ng populasyon o ng development. Ang iba naman ay nasira na dahil sa matinding hagupit ng bagyo at iba pang kalamidad,” ayon pa kay Lapid.

Dahil prayoridad ng Pangulong Bongbong Marcos Jr., nananawagan si Lapid sa kapwa nya Senador na agad ng pagtibayin ang kanyang panukalang magtatatag ng isang Department of Water Resources(DWR) para sa sentralisadong ahensya na tututok sa pagpopondo, development ng resources at infrastructures at pagpapalawak ng suplay ng tubig sa bansa, na maaaring ipunin kapag may bagyo at pagbaha.

“Ang aking bill na pagbuo ng Department of Water Resources (DWR), ay siyang magmamando sa lahat ng operasyon kaugnay sa pamamahala ng tubig sa ating bansa. Ito po ay nasa Senate Bill No. 2771 na ngayon ay nasa plenaryo na ng Senado. Sa pamamagitan ng DWR ay maipapaabot natin ang maiinom na tubig kahit sa pinakaliblib na lugar sa ating bayan at matitiyak natin na mayroong malinis, at abot-kayang tubig para sa lahat,” dagdag pa ni Lapid.

Noong Setyembre 2024, itinulak ni Pangulong Marcos ang pagsasaayos ng water management sa bansa sa paglikha ng Department of Water Resources(DWR) sa ika-anim na pulong ng Legislative Executive Development Advisory Council (Ledac).

Noong nakaraang taon, nilagdaan na ng Pangulo ang Executive Order No. 22 na nag-aatas na magbuo ng Water Resources Management Office, sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Environment and Natural Resources(DENR).

Sa pag-aaral ng UN at Unicef, nasa 53% households sa Pilipinas ang walang access sa malinis at inuming tubig.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -