27.8 C
Manila
Huwebes, Enero 16, 2025

Mga residente ng Cagayan na apektado ng bagyong Marce, lubos ang pasasalamat sa mga tulong na inihatid ni PBBM

- Advertisement -
- Advertisement -

LUBOS ang pasasalamat ng mga mamamayang apektado ng bagyong Marce sa lalawigan ng Cagayan sa mga inihatid na tulong ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ang Pangulo ay personal na bumisita sa lalawigan, partikular sa bayan ng Buguey upang tingnan ang sitwasyon pagkatapos ng pananalasa ng bagyo.

Pinangunahan din nito ang pamamahagi ng mga relief goods, bigas, binhi at iba pang mga tulong para sa mga nasalanta ng bagyo.

Personal ding iniabot ng Pangulo ang tig-P10 milyong piso sa mga bayang lubhang sinalanta ng bagyo na kinabibilangan ng mga bayan ng Aparri, Buguey, Santa Ana, Gonzaga, Sanchez Mira, Santa Teresita at Baggao.

Lubos din ang pasasalamat ng mga lokal na opisyal sa pagbisita ng Pangulo sa lalawigan.

Ayon kay Governor Manuel Mamba, dalawang buwan ang ini-atas ng Pangulo para sa rehabilitasyon ng mga nasirang government infrastructure, tulad ng mga eskwelahan, kalsada at tulay. 

“Paspasan ito, in two months kailangan matapos ito at pati design ay tinitingnan nila so maganda na siya mismo ay pumupunta para makita niya yung problem,” pahayag ni Mamba. 

Para naman kay Buguey Mayor Licerio Antiporda III, malaking bagay ang pagbisita ng pangulo sa kanilang bayan dahil ito ang nagbibigay ng pag-asa sa mga nasalanta.

“Kahit nabagyo tayo e nakakangiti tayo dahil nandito yung pangulo ng republika so ibig sabhin ay nakikita niya yung mga probelma natin at sigurado bibigyan niya ng karampatang aksyon itong mga pangangailangan natin dito,” dagdag ni Antiporda. 

Samantala, maluha-luha namang ikinuwento nila Lola Cerafina, Perlita at Nena ang kanilang karanasan ng gabing humagupit ang bagyo. Katulad din ng iba nilang mga kababayan, nagising sila kinaumagahan na wala na ang bubong ng kanilang mga tahanan.

Gayonman, ipinagpapasalamat parin ng mga ito na walang nasaktan sa kanilang mga pamilya.

“Idi bagyo sir, rinibba na jay pataguag na pagiddaan mi. Tatta awan atip nan, agyamyaman nak sir ta maatipan ajay sangu min ta adda pagdiyanan min. agyaman nak unay ti gubyerno sir,” pahayag ni Lola Perlita Talosig ng Buguey, Cagayan.

(Nung bagyo sir, nasira yung sa may tulugan namin, nailipad ang bubong. nagpapasalamat ako sir dahil ngayon ay may takip na dahil sa tulong ng gobyerno.) (OTB/PIA Region 2) 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -