27.8 C
Manila
Huwebes, Enero 16, 2025

Pamilya Villar pinarangalan ang kontribusyon ng mga OFW sa 13th OFW at Family Summit

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY-PUGAY ang pamilya Villar sa hindi matatawarang kontribusyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa 13th OFW and Family Summit, noong Biyernes, Nobyembre 8, na ginanap sa The Tent sa Las Piñas City.

Mahigit 4,000 OFW at kanilang mga kapamilya ang lumahok sa nasabing Summit.

Sa temang “Tara Magnegosyo Na!” hinikayat ng Summit ang mga OFW at kanilang mga pamilya na mamuhunan sa mga lokal na negosyo at mga pagkakataon upang mapakinabangan ang kanilang pinaghirapang kita.

Sinimulan ang kaganapan sa isang ribbon-cutting ceremony na pinangunahan ng Pamilya Villar kasama si OWAA Administrator Arnel Ignacio, DMW Asec. Venecio Legaspi at Fr. Dennis Irisari ng parokya ng San Ezekiel.

Sa kanyang pahayag taos-pusong nagpasalamat si House Deputy Speaker Camille Villar sa mga OFW sa kanilang napakalaking kontribusyon sa lipunan.

“Lahat po kami taos pusong nagpapasalamat sa inyo at sa sakripisyo niyo,” said Deputy Speaker Villar.

“Kaya para po sa inyo itong 13th OFW Summit, para kahit sa isang munting paraan, maipakita po naming ang pasasalamat sa inyo. Saludo po kami sa inyong sipag,tiyaga, dedikasyon at pagmamahal sa ating bayan” dagdag pa ni Congresswoman Villar.

Tiniyak naman ni Senator Mark Villar sa mga OFW at kanilang mga pamilya ang patuloy na tulong at suporta, sa personal at sa pamamagitan ng legislative initiatives na naglalayong pangalagaan ang mga karapatan at kapakanan ng mga OFW. Binigyang-diin niya ang paghahain ng Senate Bill 223 para magbigay ng credit assistance sa mga nagtatrabahong OFW at Senate Bill 1415 para magtatag ng Assistance Fund para sa mga OFW na nasa distress.

“Kami po ay lubusang humahanga sa inyong pagsisikap upang mabigyan ng magandang buhay ang inyong mga pamilya sa kabila ng pagiging malayo sa kanila” ayon kay Senator Mark.

“Kaya naman po sa abot ng aming makakaya, kami po ay patuloy na magbibigay suporta sa ating mga kapatid na OFWs at sa inyong mga pamilya na maiiwan dito sa Pilipinas,” dagdag pa niya.

Si dating Senate President Manny Villar na nagsimula ng nasabing adbokasiya sa OFW, ay nagpahayag ng optimismo tungkol sa pagsulong na nagawa sa pagprotekta sa sektor ng OFW at idiniin ang pangangailangang pahusayin ang pinansyal at entrepreneurial na kakayahan ng mga ng mga ito.

Kinilala niya ang mahalagang papel ng mga migranteng manggagawa sa lipunan at ekonomiya, na hinimok ang patuloy na suporta para sa kanilang mga pagsisikap.

“Natutuwa ako at umaangat ang buhay ng ating mga OFWs. Marami pa rin tayong tutulungan, magkikita pa rin tayo sa mga susunod na OFW summit’ said the former Senate President.

Sa kanyang huling mensahe, pinasalamatan ni Senador Cynthia Villar ang lahat ng dumalo sa summit at muling inanyayahan ang lahat na gamitin ang kanilang mga natutunan at insights mula sa mga panauhin upang maitatag ang lokal na negosyo at mapaunlad ito.

Naniniwala ang senador, isang kilalang tagapagtaguyod ng mga OFW, na sa wastong paggabay at pagtuturo, ang ating mga OFWs ay makakamit din ng tagumpay sa pagnenegosyo, habang pinasisigla ang paglago ng ekonomiya sa mga lokalidad.

Iba’t ibang eksperto sa financial literacy, business start-ups, at career development programs ang inimbitahang magsalita sa event.

Ang mga matagumpay na OFW entrepreneurs ay inanyayahan din na magbahagi ng mga inspiring na karanasan na maaaring makatulong sa pag-udyok sa mga OFW na matalinong gugulin ang kanilang pinaghirapang pera.

Sa pagitan ng mga talakayan at pagtatanghal, nagb igay ng mga raffle prizes. kabilang ang mga household appliances, pangkabuhayan package, at mga motorsiklo para sa mga kalahok na dumalo

Si Mylene Chua, ina ng limang anak mula sa Sto. Nino Marikina City, na nagtrabaho bilang domestic helper sa Kuwait, ang nakakuha ng grand prize na Camella house and lot.

Ang summit–na pinasimulan ng pamilya Villar sa pamamagitan ng Villar Foundation–ay ang kanilang taunang handog sa mga OFW, na kilala sa maraming pagsasakripisyo para lang maibigay sa kanilang mga pamilya ang disente at komportableng buhay sa kanilang bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -