27.8 C
Manila
Huwebes, Enero 16, 2025

Tuloy-tuloy na tulong sa Cagayan

- Advertisement -
- Advertisement -

DUMATING nitong Linggo, Nobyembre 10, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Buguey, Cagayan, kung saan siya’y nakiisa sa pamamahagi ng suporta, kasama ang tig-P10 milyong tulong pinansyal mula sa Office of the President para sa mga munisipalidad ng Aparri, Buguey, Sanchez-Mira, Santa Teresita, Baggao, Gattaran, Gonzaga, at Santa Ana na labis na naapektuhan ng Bagyong Marce.

Kasama ang DPWH, DepEd, at mga lokal na lider, binisita rin ni PBBM ang mga nasirang gusali sa Licerio Antiporda Sr. National High School upang matukoy ang mga pangangailangan para sa agarang pagsasaayos ng paaralan.

Para sa dagdag na impormasyon, basahin ang mga sumusunod:  https://pco.gov.ph/9IjzNW, https://pco.gov.ph/acC36L, at  https://pco.gov.ph/L71eom

Samantala, tulong pinansyal na halagang P80 milyon at suporta mula sa mga ahensya ng pamahalaan, gaya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Irrigation Administration (NIA), at Department of Agriculture (DA), ang inilapit ng pamahalaan sa Cagayan, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Alamin ang mga detalye sa: https://pco.gov.ph/9IjzNW

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -