26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Paano maiiwasan ang financial infidelity?

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG JUAN)

- Advertisement -
- Advertisement -

JUAN, anong mood sa opisina n’yo sa pagkapanalo ni Trump?

Naku, Uncle, siyempre malungkot at galit din. At natatakot na baka ganyan din ang mangyari sa atin sa eleksyon.

Anong ibig mong sabihin?

Yung hindi na naman tayo bumoto ng mahusay at nailuklok ang mga hindi karapat-dapat at wala talagang alam sa pamamahala.

Totoo ka dyan, Juan. Kahit sabihin mo pang ang Pilipino pa rin ang makakapagpabago ng ating hinaharap sa buhay, nahuhulog pa rin tayo sa bingit ng maling pamimili sa kung sino ang mas may K sa paghubog ng mas maganda nating kapalaran bilang isang bansa.


Sa makailang henerasyon na, tayo pa rin ay binabagabag ng pagtataksil ng mga binoto natin sa mga sinumpaan nila na magiging tapat sila sa ating mga hangarin at pangarap at hindi nila hahayaang tayo ay manakawan ng kahit ano — salapi , dignidad, honor at excellence — bilang  mga mamamayang Pilipino.

Lalo na pagdating sa kaban ng bayan kung saan nakakatayong balahibo ang mga balita ng tahasang korapsyon o pagsakop sa ating mga karapatan sa pananalapi na para sa taong bayan. Nakakalungkot at nakakagalit ang ganyang klase ng pagtataksil!

Sa mga pamilya, lalo na sa mga mag-asawa, may tinatawag ding “financial infedility” na kadalasa’y nauuwi sa paghihiwalay o iyong iba pa nga ay pag-uumit ng buhay.

Ano ba yung “financial infidelity”? O ang pagtataksil sa pera o salapi? Paano ba malalaman kung may nangyayaring ganon sa buhay ng mag-asawa?

- Advertisement -

Nangyayari ang financial infedility kung ang isa  o pareho sa mag-asawa ay nagsisinungaling tungkol sa pera. Katulad ng pagtatago sa mga binibili o palihim na gumagamit ng credit card. Ito ang ilang mga senyales ng “financial infidelity”:

  1. Intensyonal na pagtatago ng mga binibili o shinoshopping, lalo na yung mga malalaking halaga;
  2. Pagsisinungaling sa pangungutang o yung pagpapautang sa iba;
  3. Pagsasangla ng alahas o property na palihim;
  4. Pagbubukas ng mga separate na bank account o credit card;
  5. Pagtanggap ng salapi sa iba’t ibang source katulad ng sa pinagkakitaan o pinagbentahan ng property o gamit, o sa pagpanalo ng cash sa kahit anong paraan;
  6. Pagtatago ng suweldo o bonus;
  7. Pagsisinungaling sa paggastos; at
  8. Palihim na pagbenta o pagsangla ng assets ng pamilya.

Ang epekto ng “ financial infidelity” sa relasyon ng mga mag-asawa ay matindi. Maraming nasisira at nabubuwag na mga pamilya dahil sa pera. Ang pagsisinungaling at pagtatago ng mga impormasyon, desisyon at aksyon sa mga aspetong pinansyal ng pamumuhay ng mag-asawa o ng pamilya ay hindi tama pero puede itong maiwasan.

Paano ba maiiwasan ito?

Una, dapat pinag-uusapan ng regular ang pinansyal ng situwasyon ng pag-asawa, tingnan at suriin ang mga bank accounts, alamin ang status ng mga credit cards, kasama na dyan ang mga pagkakautang sa bangko, sa sanglaan o sa ibang tao. Wala dapat nanghuhula sa kung nasaan na ang pamilya pagdating sa mga usaping pera o iba pang pinansyal na assets.

Pangalawa, maging transparent sa mga pinansyal na goals at intensyon. Lalo na sa paraan ng paggastos, pag-ipon at pag-invest. Kung mag-iinvest sa mga iba’t ibang pinansyal na assets katulad ng sa stock market o sa pagbili ng property, dapat pinag-uusapan at naiintindihan kung ano ba  ang mga risks sa mga ito. Kung may intensyon tayo na tumulong sa ating pamilya, katulad ng pagtustos sa gastusing medikal ng magulang o pag-papaaral sa nangangailang pamangkin o kapatid, dapat alam ng mag-asawa kung ano ba ang puedeng ibudget para sa mga ganitong gastusin.

Pangatlo, magpakatotoo ka sa asawa mo kung sakaling meron kang nagawang hindi tama at nakakaapekto sa inyong pinansyal na kalagayan at sa relasyon ng buong pamilya. Walang masama sa pagtanggap ng kamalian at sa hangaring maisaayos ito.

- Advertisement -

Ikaapat, kailangang mag-usap tungkol sa financial values kasi dapat iisa lang ang prinsipyo at panuntunang sinusunod. hindi puedeng salungat ang inyong financial values, lalo na kung ito ay nakakaperwisyo sa magandang relasyon ng buong pamilya. Hindi puede na ang isa sa mag-asawa ay mataas ang pagpapahalaga sa honesty at truth at ang iyong isa naman ay ayos lang sa kanya ang maging doshonest, scheming o mapanglinlang.

Ikalima, sa simula pa lang ng pag-aasawa, dapat may malinaw na disclosure na at tapatan kung ano ba talaga ang pagsisimulan n’yong mag-asawa. May mga situwasyon kasi na kung hindi maganda ang pinansyal na sitwasyon ng isang partner at inilihim ito nung nag-asawa, magiging problema ito ng mag-asawa kinalaunan.

At ikaanim, gawing standard sa pamilya ang mag-financial planning kada taon. Mahalaga ang magplano para mailabas lahat ng iniisip, minimithi, gustong gawin at gustong iwasan tungkol sa mga bagay na pinansyal na magpapabuti ng kabuhayan ng pamilya.

O, Juan, pag nag-asawa ka na, siguraduhin mong wala sa bokabularyo mo ang “financial infidelity”!

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -