26.1 C
Manila
Biyernes, Enero 17, 2025

Pepito humina na at nakikitang lalabas ng PAR ngayong Lunes ng hapon

- Advertisement -
- Advertisement -

SINABI ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Lunes na humina si Pepito at naging isang matinding tropikal na bagyo at inaasahang lalabas ng bansa ngayong hapon ng Lunes.

Mula sa file ng The Manila Times

Sa ulat nito sa kanilang 11 a.m. bulletin, sinabi ng weather agency na tanging Signal No. 1 na lamang ang nakataas sa ilang Luzon areas kabilang ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, ang kanlurang bahagi ng Pangasinan (Burgos, Dasol, Sual, Mabini, Binmaley, San Fabian, Dagupan City, Lingayen, Labrador, City of Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Infanta, Bugallon at Mangaldan), at ang kanlurang bahagi ng Abra (Danglas, Bangued, Langiden, La Paz, Pidigan, San Quintin, San Isidro, Pilar, Peñarrubia, Villaviciosa at Lagayan).

Kumikilos pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour (kph), si Pepito ay tinatayang 270 kilometers (kms) kanluran ng Batac, Ilocos Norte taglay ang lakas ng hanging aabot sa 110 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 kph.

“Magpapatuloy ang paggalaw ni Pepito sa kanluran-hilagang-kanluran sa ibabaw ng West Philippine Sea hanggang sa lumabas ito ng PAR (Philippine Area of Responsibility) ngayong hapon,” sabi ni Pagasa administrator Nathaniel Servando.

Halaw sa ulat ni Arlie O Calalo ng The Manila Times

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -