26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

P4.2M na halaga ng tulong pangkabuhayan sa mga Novo Vizcayanos inibahagi ng DOLE, LGU

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng mga livelihood kit ang Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Provincial Local Government Unit ng Nueva Vizcaya sa 200 na Novo Vizcayanos upang matulungan silang kumita para sa kanilang pamilya.

Ayon kay Elizabeth Martinez, DOLE provincial director, nasa P22,000 ang halaga ng bawat livelihood kit na naibigay sa mga mamamayan o nasa P4.2 million ang kabuuan ng pondong naibigay dito na handog ng kanilang DOLE Integrated Livelihood Program.

“Umaasa kami na pagbubutihin ninyo ang paggamit ng inyong mga kagamitan upang mapalago pa ang inyong negosyo. Hindi dito ang katapusan ng aming tulong, magbibigay pa kami ng karagdagang tulong sa oras na makita namin ang magandang takbo at tagumpay ng inyong napiling negosyo,” pahayag ni Martinez.

Dagdag pa ni Martinez na ang tulong mula sa DILP ay base sa hiling ng mga mamamayan na negosyo gaya ng tailoring, variety store, rice retailing, food vending, car repair at iba pa.

Hinimok naman ni Governor Jose Gambito ang mga DLP beneficiaries na gawing makabuluhan ang kanilang negosyo upang ito ay lumago at matulungan silang maiangat ang antas ng kanilang kabuhayan.

“Kami sa PLGU ay handang tumulong upang lalo pang dumami ang mga negosyante sa ating lalawigan dahil ito ay makakatulong sa paglago ng ating ekonomiya,” pahayag ni Governor Gambito.

Ayon naman kay Emilia Basatan ng Barangay Poblacion sa bayan ng Sta. Fe, makakatulong ang livelihood kits ng DOLE sa muli niyang pagbangon sa kabuhayan sa pamamagitan ng kanyang salon business.

“Isang napakalaking tulong ito para sa akin dahil nangangailangan ako ng puhunan upang makapagnegosyo para sa king pamilya. Isa po itong maagang pamaskong handog ng DOLE at PLGU,” pahayag ni Elmer Soriano, 40 na isang miyembro ng Persons With Disabilities ng barangay Poblacion sa bayan ng Aritao.(BME/PIA NVizcaya)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -