27.8 C
Manila
Huwebes, Enero 16, 2025

VP Sara nagbigay ng pahayag ng pasasalamat sa lahat ng tumulong sa OVP noong dumaan ito sa krisis

- Advertisement -
- Advertisement -
NAGBIGAY ng pahayag ng pasasalamang si Vice President Sara Duterte ngayong
Disyembre 5, 2024. Narito ang pahayag ng Bise Presidente.
“Nagpapasalamat ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa lahat ng mga tumulong, sumuporta, at nagpaabot ng pakikiisa at pagdamay sa opisina nang humarap ito sa krisis at kagipitan kamakailan.
“Maraming salamat sa mga doktor at lahat ng healthcare personnel na walang pahinga sa pagsiguro na maayos ang kalagayan ng mga kawani ng Office of the Vice President (OVP) na nangailangan ng tulong medikal. Salamat din sa mga abogado na 24 oras na nagbantay sa posibleng mangyari sa mga empleyado na nangailangan ng tulong-legal.
“Salamat din kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na sinamahan si Usec Zuleika Lopez sa ospital buong araw noong November 23, 2024 sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC). Salamat din kay Senador Bong Go na humalili kay VP Sara Duterte.
“At kay Senador Imee Marcos na tiniyak na mayroong DILG order para payagan si VP Sara Duterte at Senador Bato Dela Rosa na magbantay ng pasyente sa VMMC.
“Maraming salamat din sa media sa tuloy-tuloy na pagsisiwalat sa kalagayan ng bansa — sa pagbabantay laban sa kawalan ng hustisya, pandarahas at pag-uulat sa sinapit ng mga tauhan ng OVP at sa walang takot na malayang pamamahayag.”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -