31.3 C
Manila
Linggo, Hulyo 13, 2025

Tulfo pinaiimbestigahan ang surge fees ng TNVS

- Advertisement -
- Advertisement -

IKINABAHALA ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang napakalaking singil sa pasahe o price surge ng Transportation Network Vehicle Services (TNVS) partikular na ang GRAB car lalo na ngayong holiday season.

Larawan mula sa Senate of the Philippines

“Maraming reklamo ang nakarating sa akin mula sa mga pasaherong gumagamit ng Grab na ayon sa kanila, kasama sa sinisingil na pasahe ng nasabing ride hailing application ang napakalaking surge fee,” saad niya.

Dahil dito, agad nakipag-ugnayan ang Opisina ni Sen. Idol Raffy Tulfo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at tinanong kung anong mga hakbang na ang ginagawa nila sa problemang ito.

Ayon sa LTFRB, nagsagawa na raw ang ahensya ng paunang imbestigasyon ukol sa surge fee na inirereklamo ng maraming commuters at nakatakda raw silang maglabas ng isang draft resolution sa lalong madaling panahon.

Isasama raw ng LTFRB sa nasabing resolusyon ang mga findings nila at lahat ng posibleng sanction sa mga violators, lalo na sa Grab kung mapatunayan na hindi ito sumusunod sa itinakdang fare rates sa mga TNVS na nakapaloob sa kanilang Memorandum Circular No. 2019-036.

At kung mapapatunayang lumabag ang Grab o sinumang transport network company sa fare rates ay maaari silang patawan ng monetary penalties, suspension o dili kaya ay tuluyang pagkakakansela ng kanilang prangkisa alinsunod sa Joint Administrative Order No. 2014-01

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Services, maghahain si Sen. Tulfo ng isang Senate Resolution in aid of legislation para mas masusing imbestigahan sa Senado ang isyung ito at iba pang reklamo ng commuters laban sa TNVS partikular na ang Grab. Nais ni Tulfo na maprotektahan ang pantay na karapatan ng commuters at drivers.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -