27.8 C
Manila
Huwebes, Enero 16, 2025

COA: Office of the President gumugol ng P4.57B confidential at intelligence funds

- Advertisement -
- Advertisement -

NITO lamang Disyembre 9, 2024, inihayag ng Commission on Audit (COA) na ang Office of the President (OP) sa ilalim ng pamumuno ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nanguna sa paggastos ng confidential at intelligence funds noong 2023, na umabot sa kabuuang P4.57 bilyon.

Larawan mula sa Presidential Communications Office

Ang nasabing pondo ay bahagyang mas mataas kumpara sa P4.51 bilyon na naitala noong 2022. Sa ulat na inilabas ng COA Annual Financial Report, sinabi ng ahensiya na ang OP ang nangungunang ahensiya sa paggastos ng mga pondo.

Ayon sa COA, ang confidential expenses ng OP noong 2023 ay P2.2 bilyon at ang intelligence expenses naman ay P2.3 bilyon, at ang extraordinary at miscellaneous expenses ay P10,052,747.65.

Dagdag pa ng COA, na ang mga confidential expenses ay nakalaan para sa mga aktibidad tulad ng surveillance at iba pang lihim na proyekto na may kinalaman sa mga operasyon ng mga ahensiya ng gobyerno.

Ano ang confidential at intelligence funds?


Ayon sa COA, ang confidential funds ay mga pondo na ginagamit sa mga aktibidad ng gobyerno na hindi malalaman ng publiko, tulad ng surveillance at iba pang operasyon na tumutok sa mga lihim na operasyon ng mga ahensiya. Karaniwang inilaan ito sa mga civilian government agencies upang masuportahan ang kanilang mga mandato at operasyon.

Samantala, ang intelligence funds naman ay ginagamit para sa mga aktibidad na may kinalaman sa pagkuha ng impormasyon tungkol sa pambansang seguridad, kabilang ang mga operasyon ng mga uniformed personnel at military upang maprotektahan ang bansa laban sa mga banta.

Paghahati ng gastos ng confidential funds

Sa paggamit ng confidential funds noong 2023, ang Department of Justice (DOJ) ay pumangalawa, na gumastos ng P683.85 milyon. Ang pondo ng DOJ ay nahati sa mga ahensiya tulad ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration.

- Advertisement -

Ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nasa ikatlong puwesto na may P500 milyon na ginastos sa mga confidential activities.

Narito ang iba pang mga ahensiya na gumastos ng malaking halaga ng confidential funds noong 2023:

– Office of the Vice President (OVP): P375 milyon

– National Intelligence Coordinating Agency (NICA): P127.41 milyon

– National Security Council (NSC): P90 milyon

– Department of National Defense (DND): P78.92 milyon

- Advertisement -

-Department of Interior and Local Government (DILG): P75 milyon

Makikita sa breakdown ng COA na ang OVP ay gumastos ng mas mataas na confidential funds kaysa sa pinaghalong halaga ng NICA, NSC, at NBI, na umaabot lamang sa P363.58 milyon.

Paggamit ng intelligence funds ng OP

Ayon sa COA, hindi lamang ang OP ang nanguna sa paggasta ng confidential funds. Ang Office of the President rin ang nangunguna sa pagkonsumo ng intelligence funds noong 2023. Ang OP ay gumastos ng P2.31 bilyon para sa intelligence expenses, na kumakatawan sa 38.72% ng kabuuang P6.03 bilyon na ginastos ng lahat ng ahensiya sa buong taon.

Pagtaas ng nagasto sa confidential at intelligence funds sa bansa

Ang total na paggasta ng gobyerno sa confidential at intelligence funds (CIF) noong 2023 ay umabot sa P10.443 bilyon.

Ito ay P685.65 milyon na mas mataas kaysa sa P9.757 bilyon na ginastos noong 2022. Ayon sa COA, ang gastos na ito ay isang makasaysayang halaga, na ipinakikita ang pagtaas ng paggamit ng mga pondo para sa mga lihim at intelligence na aktibidad.

Papel ng COA sa confidential fund

Ang gampanin ng Commission on Audit (COA) sa confidential funds ay magsagawa ng pagsusuri at auditing ng mga pondo upang tiyakin na ang mga ito ay ginugol alinsunod sa mga umiiral na batas at regulasyon.

Ang COA ang may tungkuling magsuri at mag-ulat kung paano ginagamit ng mga ahensya ng gobyerno, tulad ng Office of the President (OP) at iba pang mga civil at military agencies, ang kanilang mga confidential at intelligence funds.

Sa madaling salita, ang COA ay may tungkuling tiyakin na ang mga confidential at intelligence funds ay ginagamit ng tama at sa paraang naaayon sa batas at patakaran, at pinapalaganap ang transparency at accountability sa mga ahensiyang gumagamit ng mga pondong ito.

Bakit pinapayagan ang OP na gumastos ng ganitong kalaking halaga ng pondo?  

Ayon sa batas, ang mga confidential at intelligence funds ay itinatag upang matulungan ang mga ahensiya na may kinalaman sa pambansang seguridad, tulad ng mga military at law enforcement agencies, sa kanilang operasyon at monitoring ng mga banta sa seguridad ng bansa.

Bagama’t ang OP ay isang civil office, binibigyan ito ng mga pondo para sa mga espesyal na gawain, tulad ng pagkolekta ng impormasyon na may kinalaman sa seguridad at pampulitikang katatagan ng bansa. Halimbawa, ang mga operasyon ng surveillance na isinasagawa ng OP ay maaaring may kinalaman sa pagtiyak na ang mga desisyon ng pamahalaan ay batay sa tumpak at tamang impormasyon tungkol sa mga internal at external na banta.

Kaya’t ito ay pinapayagan sa ilalim ng batas bilang isang bahagi ng mekanismo ng pamamahala ng gobyerno.

Mga puna sa paggamit ng confidential funds

Kasunod ng ulat ng COA, ilang eksperto ang nagbigay ng kanilang opinyon ukol sa paggamit ng confidential funds ng mga civilian agencies.

Ayon kay Emmanuel Layco, isang ekonomista, hindi raw kinakailangan na magkaroon ng confidential funds ang mga civilian agencies.

Ani Layco, “ang mga civilian agencies ay hindi dapat magkaroon ng confidential funds. Kung kailangan nila ng impormasyon tungkol sa intelligence, maaari nilang i-refer ito sa ating national intelligence network”.

Si Juan Antonio Perez, na dating opisyal mula sa Commission on Population and Development, ay nagsabi na kung ginamit ang mga confidential funds sa ibang paraan, mas makikinabang ang mga social programs ng bansa tulad ng mga housing at medical services. “Mababawasan ang mga social programs, the human capital side,” ani Perez.

Pagbawas ng confidential funds para sa 2025

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang pondo para sa confidential at intelligence funds (CIF) ay binawasan ng 16% para sa 2025 General Appropriations. Kasama sa mga ahensiyang na-strip ng confidential funds ay ang OVP at ang DepEd sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -