26.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 15, 2025

DOLE-NCR Undersecretary Benavidez, nakipagpulong kay PCUP Chairperson Sabili para sa mga programang pangkabuhayan

- Advertisement -
- Advertisement -

PERSONAL na nagtungo si Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) Undersecretary Atty. Benjo Santos Benavidez upang makipagpulong kay Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Chairperson and Chief Executive Officer Meynardo Sabili, upang talakayin ang mga programang tutulong sa urban poor communities sa buong bansa.

Sa kanilang pagpupulong, tinalakay ang mga pangangailangan sa pangkabuhayan ng mga maralitang tagalungsod, kabilang ang pagbibigay ng sapat na oportunidad para sa self-sufficiency at financial independence ng mga pamilyang kabilang sa sektor na ito. Pinagtuunan din ng pansin ang tamang implementasyon ng mga livelihood programs at ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon sa pagitan ng DOLE at PCUP.

Layon ng pagpupulong na mapalawak ang implementasyon ng mga pangkabuhayang programa, tulad ng livelihood assistance, hindi lamang sa NCR kundi maging sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Pangungunahan ni Chairman Sabili, kasama ang Field Operations Division ng PCUP, ang pagsasagawa ng profiling sa mga kwalipikadong benepisyaryo upang matukoy ang mga pangangailangan ng mga ito at matiyak na ang mga tulong ay angkop sa kanilang kalagayan at komunidad.

Nauna nang naisakatuparan ang mga proyektong pangkabuhayan tulad ng Bigasan, NegoKart (5-in-1 package), at Carinderia sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan, na naglalayong magbigay ng oportunidad sa mga nangangailangang pamilya.

Kasama rin sa pagpupulong sina Executive Assistant III at Special Concerns Unit Head, Atty. Francis Meynard Sabili, at DMO II Rosemarie Makimkim na kapwa sumusuporta sa pagpapatupad ng mga programang ito para sa kapakinabangan ng mga maralitang Pilipino.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -