26.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 15, 2025

Sofronio Vasquez III: Kauna-unahang Asyano na nagwagi sa The Voice USA

- Advertisement -
- Advertisement -

SA kauna-unahang pagkakataon, isang Pilipino ang naging kampeon sa isang malaking paligsahan sa pag-awit sa Amerika nitong Disyembre nang nakaraang taon.

Si Sofronio Vasquez III ang kauna-unahang Asyano na nanalo sa โ€œThe Voice USAโ€ kung saan nagwagi sya sa ika-26th season ng naturang kompetisyon.

Nakuha nya ang gantimpalang nagkakahalaga ng $100,000 at recording contract.

Sofronio Vasquez III

Yugto ng kompetisyon

May limang yugto ang kompetisyong The Voice USA.


Una ang producerโ€™s audition kung saan magsusumite ng video o virtual open call audition ang isang kalahok.

Pag nakapasa sa unang yugto, haharap naman sa โ€œblind auditionโ€ kung saan aawit sila habang nakatalikod sa kalahok ang mga apat na coach na tanging naririnig lamang ang kanyang boses at makikita lamang kapag pinindot na ng coach ang button na nasa kanilang upuan.

Pagkatapos nito, sasabakย  na ang mga kalahok sa โ€œbattle roundsโ€ kung saan pipili ang coach sa kanyang grupo ng mga magkakapares at isa lamang ang kanyang pipiliin. Ang mga kalahok ang pipili ng kanta na kanilang aawitin sa round na ito.

Sunod na yugto ang โ€œknockoutsโ€ kung saan magpapagalingan ang lahat ng natitirang kalahok upang makausad sa โ€œplayoffs.โ€

- Advertisement -

Sa โ€œplayoffsโ€ pipiliin ang mga finalist para sa pinakahuling yugto ng kompetisyon.

Sa โ€œlive performanceโ€ ibubuhos ng mga kalahok ang kanilang galing upang mapagwagian ang cash prize at recording contract.

Mga kanta ni Sofronio

Sa blind audition ni Sofronio, inawit nya ang โ€œIโ€™m Going Down ni Rose Royce.

Kinanta naman nila ng kanyang kapareho ang โ€œThe Power of Loveโ€ ni Celine Dion sa Battles.

โ€œIf I can Dreamโ€ ni Elvis Presley naman ang inawit ni Vasquez sa semi-finals.

- Advertisement -

At sa Finale, kinanta nya ang โ€œUnstoppableโ€ ni Sia gayundin ang โ€œA Million Dreams mula sa The Greatest Showman at nag-perform pa si Sofronio at ang kanyang coach na si Michael Buble ng โ€œWhoโ€™s Lovinโ€™ Youโ€ ng Jackson 5.

Istratehiya ni Sofronio para manalo

Kapansin-pansin ang ibaโ€™t ibang genre ng mga kinanta ni Sofronio sa kabuuan ng kompetisyon.

Sa isang panayam kay Michael Buble, ang napiling coach ni Sofronio, sinabi nitong sinadya niyang ipakanta sa kanyang kalahok ang mga mahihirap na awit upang ipakita sa madla ang kanyang versatility at kakayahan.

Para naman kay Sofronio, aniya, nakinig at nagtiwala siya sa kanyang coach na nagtitiwala rin na kaya nyang kantahin ang mga ito.

Ayon pa kay Buble, si Sofronio ang kauna-unahang Asyano na nanalo sa The Voice USA. Aniya, representasyon si Sofronio hindi lamang ng mga Filipino na nasa Amerika kundi ng lahat ng Asyano.

Nakuha ni Sofronio ang pinakamaraming boto sa finale ng The Voice USA noong Disyembre 10, 2024.

Ibinabase sa dami ng boto sa gabi ng pinakahuling laban ang mananalo dito. Makaboboto ang mga manonood sa pamamagitan ng app o sa website.

Background ni Sofronio Vasquez

Hindi bago kay Sofronio ang lumahok sa paligasahan sa pag-awit.

Katunayan, dati siyang kalahok sa Tawag ng Tanghalan sa Pilipinas noong 2017. Umabot sya sa pagiging finalist ngunit nabigong manalo, nakuha nya rito ang 7th place.

Bumalik sya sa naturang kompetisyon taong 2019 para sa โ€œAll-Star Grand Resbakโ€ kung saan nakuha nya ang ikatlong gantimpala.

Taong 2022 naman nang siya ay maging dental assistant sa US, partikularย  na sa Utica, New York.

At taong 2024 nga ng sumali sya sa The Voice USA.

Iba pang Pilipino na sumali sa The Voice

Bukod sa US, mayroon ding The Voice sa Pilipinas at maging sa iba pang bansa.

Sa US, kasama si Kay Sibal sa nag-audition sa season 26 noong 2024, kasabayan ni Vasquez kung saan tatlong upuan ng mga hurado ang pumihit sa kanyang blind audition.

Umabot lamang si Sibal sa Knockout stage.

Sa kabila nito, nagpahayag ng pasasalamat si Sibal dahil sa oportunidad na makilala rin siya at maipamalas ang kanyang talento.

Sa The Voice Germany naman, umabot si Joy Esquvias sa finale kung saan naging 4th placer sya.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -