26.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 15, 2025

Wage Hike Bill sertipikahan bilang urgent – Villanueva

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Senador Joel Villanueva sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent ang wage hike bill para mas mapabuti pa ang antas ng pamumuhay ng mga manggagawang Pilipino.

Senator Joel Villanueva

Binigyang-diin ni Villanueva, chairperson ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resource Development, na bagama’t lumago ang ekonomiya ng bansa ng 5.6% noong 2024, dapat aniyang sumasalamin ito sa pang-araw-araw na kalagayan ng mga manggagawa ng bansa.

“The window for the 19th Congress is slowly closing, which is why we need to speed up discussions and ensure the bill’s enactment before we adjourn,” sabi ni Villanueva.

“Sa taas ng presyo ng bilihin, kailangan din po nating siguraduhing may kakayahang mamuhay nang maayos ang ating mga kababayan,” dagdag pa niya.

Una nang inaprubahan ng Senado ang Senate Bill No. 2534 o ang P100 Daily Minimum Wage Increase Act, na inakda ni Villanueva. Bukas naman ang senador sa patuloy na talakayan sa magkaibang bersyon ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“At the end of the day, what is important is that we can match our workers’ wages to the living wage,” ani Villanueva.

Naghain din si Villanueva ng Senate Bill No. 2140 na naglalayong magtatag ng pamantayan sa suweldo para matiyak na lahat ng manggagawang Pilipino ay kumikita ng sapat para masuportahan ang kanilang pamilya at mapaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -