26.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 15, 2025

Agila, pinakawalan sa kagubatan ng Isabela

- Advertisement -
- Advertisement -

PINAKAWALAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) and isang Philippine Hawk-Eagle (Nisaetus philippensis) sa kagubatan ng Dimaluade sa Dinapigue, Isabela kamakailan.

Bago ito pakawalan muli sa kanyang natural habitat ay siniguro muna ng mga kawani ng Community Environment and Natural Resources (CENR) Palanan Sub-Office sa Dinapigue na nasa maayos na kundisyon ang Agila.

Unang dinala ng mga pulis sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Mauro Agcanas ng Isabela Law Enforcement Team ang ibon sa CENRO matapos itong mahuli ng isang katutubong Dumagat.

Nakipag-ugnayan narin ang kanilang grupo sa Municipal Environment and Natural Resourcesย Office, Isabela Maritime Law Enforcement Team, Philippine National Police, at Dinapigueย Mining Corporation para sa pagmonitor sa kalagayan ng pinakawalang Agila.

Samantala, ikinokonsidera ng International Union for Conservation of Nature o IUCN red listย ang Philippine Hawk Eagle na endangered o nanganganib na ang lahi dahil kumokonti na ang populasyon ng mga nito.

Patuloy ngayong hinihikayat ng departamento ang publiko na makipagtulungan sa pagkonserba sa mga wildlife kasama na rito ang mga agila.(OTB/PIA Region 2 with reports from DENR 2)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -