30 C
Manila
Biyernes, Mayo 23, 2025

Magkakaibang pananaw, reaksyon  hinggil sa impeachment ni VP Sara

- Advertisement -
- Advertisement -

MULA nang ipasa ng may 215 mambabatas ng Mababang Kapulungan ang mga artikulo ng impeachment laban kay Vice President Sara noong Pebrero 6, magkaibang pananaw na ang inihayag ng iba’t ibang mga pangunahing personalidad, eksperto sa Konstitusyon at mga mambabatas  pero naging mainit ang taliwas na pahayag nina Senate President Francis “Chiz” Escudero, at  Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III.

Nagbigay din ng mga reaksyon sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maging si Vice President Sara Duterte. Tingnan natin ang kanilang mga naging pahayag.

Walang kinalaman ang Palasyo sa impeachment

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Huwebes, Pebrero 6, na hindi sangkot ang executive department sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte at sinabing hindi makikialam ang Palasyo sa proseso.


“No, the executive cannot have a hand in the impeachment. Walang role ang executive sa impeachment,” sabi ni Pangulong Marcos sa isang press conference nang tanungin tungkol sa isinampang kaso ng impeachement ng Mababang Kapulungan.

Samantala, sinagot din ng Pangulo na sobrang credit naman ang ibinibigay sa kanya dahil sa  paratang na walang nangyayari sa House of Representatives na hindi niya inaaprubahan.

Idinagdag niya na ginawa lamang ng Mababang Kapulungan ang kanilang mandatong konstitusyonal bilang mga mambabatas para ipagpatuloy ang reklamo ng impeachment.

“They will decide how they will proceed. I don’t think you can expect the congressman, or the senator, or the SP, or the Speaker to come to me, ‘Oh, what do you want us to do?’ They have their own way of doing things,” diin ng Pangulo.

- Advertisement -

“I do not give guidance to Congress. Again, you give too much credit that I can tell congressmen to do this, and to do that. I cannot. I do not give guidance to Congress. We are independent of each other.”

Sinabi rin ng Pangulo na hindi siya pinakinggan ng mga mambabatas na huwag nang buksan ang proseso ng impeachment dahil hindi paborable ang timing dahil sa maraming “challenges” na kinakaharap ng bansa.

Sa pagsipi sa pahayag ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, sinabi ng Pangulo na kapag naihain na ang impeachment complaint, wala nang magagawa ang mga miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso kundi magpatuloy.

“The House has no choice, the Senate has no choice, kailangan nilang iproseso ang impeachment complaint. And that’s precisely what has happened,” sabi ng Pangulo.

VP Sara: God save the Philippines

Samantala, narito ang pahayag ni Vice President Sara Duterte sa impeachment na isinampa laban sa kanya sa Kamara.

- Advertisement -

Escudero: Walang espesyal ng sesyon para sa trial

Sinabi ni Senate President Francis Escudero nitong Sabado na walang special session habang nasa recess ang Kongreso para litisin ang kasong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, na nagsasabing labag sa Konstitusyon ang naturang sesyon.

Larawan mula sa Facebook page ng Senate of the Philippines

Sinabi ni Escudero ang pahayag isang araw matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bukas siyang magpatawag ng special session kung hihilingin ng mga senador.

Sinabi ng pangulo ng Senado na tinutukoy ng batas ang mga pangyayari kung saan maaaring magpatawag ng isang espesyal na sesyon. Ito ay kung ang Pangulo ay magdedeklara ng batas militar, magtatalaga ng bagong bise presidente, o dapat kumilos ang Kongreso sa isang nakabinbing panukalang batas. Ang pagpupulong sa Senado para sa impeachment ay hindi kabilang sa alinman sa mga kategoryang ito, aniya.

Sa ilalim ng batas, ang pangulo, pangulo ng Senado, at tagapagsalita ng Kamara ang mga taong maaaring tumawag sa Kongreso sa espesyal na sesyon.

Sinabi ni Escudero na hindi siya mapipilit magpatawag ng isang espesyal na sesyon, at idiniin na hindi nararapat na madaliin ang paglilitis sa impeachment. Aniya, ang paglilitis kay Duterte ay maaari lamang mangyari sa Hunyo 2, 2025, o pagkatapos ng halalan sa Mayo 12.

Nanindigan siya na hindi dapat madaliin ang impeachment trial sa panahon ng 19th Congress, sa halip ay iminumungkahi na dapat itong mangyari sa 20th Congress kapag ang Senado ay naghalal ng mga bagong miyembro nito. Dagdag pa rito, ipinunto niya na ang ilang mga kasalukuyang miyembro ng Kamara ay hindi na rin nakaupo sa puwesto sa panahong iyon.

Sa isang media forum noong Huwebes, Peb. 6, sinabi ni Escudero na walang impeachment trial habang nasa recess ang Kongreso, at sinabing kailangang magsagawa ng sesyon ang Senado bago manumpa ang mga senador bilang mga hurado para sa paglilitis, at ang sesyon na ito ay maaari lamang mangyari sa Hunyo 2, 2025, pagkatapos ng halalan sa Mayo.

Sinabi ng hepe ng Senado, kahit na nasa Senado na ang impeachment complaint na naglalaman ng anim na articles of impeachment, kailangan ng mga senador na magsisilbing hukom ng panahon para suriin ang nilalaman nito.

Idinagdag niya na susuriin din ng Senado kung ang umiiral na impeachment rules and regulations ay naaangkop sa paglilitis hinggil sa bise presidente.

Sinabi ni Escudero na hindi mapipilit ng House of Representatives ang Senado na magsimula ng impeachment trial.

“Kung halos dalawang buwan nang inupuan ng Kamara ang impeachment complaint laban kay Vice President Duterte, bakit tayo magmadaling magsagawa ng impeachment trial matapos itong isumite sa Senado bandang alas-singko ng hapon noong Miyerkules, na huling araw ng sesyon ng Kongreso?”

Ayon sa Konstitusyon, ang Senado ang may tanging awtoridad na magsagawa ng mga paglilitis sa impeachment at gumawa ng mga desisyon. Kung ang dalawang-katlo ng 23-miyembro ng Senado ay bumoto para sa kanyang paghatol, si Duterte ay maaaring matanggal sa puwesto at mapipigilan na muling maghanap ng pampublikong tungkulin.

Pimentel: Huwag ipagpaliban ang VP impeach trial

Larawan mula sa Facebook page ng Senate of the Philippines

Taliwas sa sinabi ni Senate President Escudero,  sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na anumang karagdagang pagpapaliban sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay labag sa Konstitusyon.

Sinabi ni Pimentel na ang isang espesyal na sesyon ng Kongreso ay magbibigay-daan sa impeachment court na opisyal na magsimula.

Ang Senado ay maaaring magpatuloy sa pagpupulong bilang isang impeachment court at simulan ang paghahanda upang maiwasan ang pag-aaksaya ng oras.

Sa isang panayam sa radyo noong Sabado, sinabi ni Pimentel na ang Artikulo XI, Seksyon III (3) ng Konstitusyon ay nagsasaad na:”In case the verified complaint or resolution of impeachment is filed by at least one-third of all the Members of the House, the same shall constitute the Articles of Impeachment, and trial by the Senate shall forthwith proceed.”

“I also read the Constitution. It says there, ‘forthwith.’ The meaning of forthwith [is that], you should have a sense of urgency,” sabi niya sa Filipino at English.

Paliwanag ni Pimentel, “‘forthwith’ does not mean once you receive it [impeachment complaint], you must act on it at once.”

“It’s not like that. For example, you act on it a week later. That’s fine. If [you act on it after] one month, that’s still OK,” dagdag pa niya.

“[But] If you delay it for three and a half months, it’s no longer ‘forthwith,'” sabi niya.

Sinabi ni Pimentel na tatalakayin din ng special session ang iba’t ibang mahahalagang panukalang batas at “Nagmamadali kami [sa pagpasa] ng napakaraming panukalang batas. Maaari pa rin silang makinabang mula sa isang espesyal na sesyon,” sabi ni Pimentel.

Binanggit ni Pimentel ang pangangailangang maipasa ang panukalang New Government Auditing Code at ang mga amendment sa Cooperative Code.

Nakabinbin din ang panukalang Judiciary Fiscal Autonomy, Tax on Vape, E-Gov (electronic governance), at Capital Markets Reform.

Sinabi ni Pimentel kung tatakbo ang special session sa loob ng tatlong araw, maaari silang gumamit ng dalawa o dalawa at kalahating araw para sa pagpasa ng mga nakabinbing hakbang. Halaw sa mga ulat sa The Manila Times

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -