NAKIUSAP si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga lokal na opisyal na ipagpatuloy ang mga magandang nasimulan sa kani-kanilang munisipalidad kahit sa pagtatapos ng kanilang termino.

Sa End-Term General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines, kinilala ni PBBM ang mga mayor bilang “first responders.” Kanyang binigyang-diin ang kanilang papel bilang tagapag-ugnay ng publiko at national government, pati na rin ang naging kontribusyon ng LGUs sa pagpapatupad ng mga inisyatibo gaya ng eBOSS at Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos Jr., binigyang-diin niya ang pagdami ng kwalipikadong LGU sa Seal of Good Local Governance, ang pag-usad ng digitalisasyon sa mga bayan sa pamamagitan ng eBOSS, at ang malawakang pakikilahok ng mga barangay sa Kalinisan Program.