27.3 C
Manila
Biyernes, Marso 28, 2025

Iba’t ibang isyu tungkol sa POGO, isa-isang nilinaw ni Sen Hontiveros

- Advertisement -
- Advertisement -

ISA-Isang sinagot ni Senator Risa Hontiveros ang tungkol sa mga isyu ng POGO sa Pilipinas kahit nagbigay na ng deadline si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tapusin ang mga operasyon ng POGO sa bansa. Narito ang kanyang mga pahayag sa isang press conference.
Q: Ma’am, kahit nung December 30, binigay na deadline ni PBBM para nga tapusin na yung mga operasyon ng POGO sa bansa. Pero until now, marami pa rin mga galamay at POGO bosses ang nasa bansa at yung iba engaged pa rin sa mga illegal activities and criminalities. So, nakukulangan ba kayo sa hakbang ng mga otoridad o talagang magiging mahirap na completely maging POGO-free tayo?

Senator Risa Hontiveros: Of course, mahirap maging completely POGO-free agad kasi at least nine years na sila o eight years sila nandito mula ng panahon ni Duterte. Pero mahirap man, we can and we should put an end to them. Diba? Inanunsyo yung ban sa kanila, SONA pa, Hulyo pa, more than half a year ago, nailabas na namin yung committee report ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality.
Last month or early this month, nakahain na yung aming Anti-POGO bill. Naglabas ng EO ang Malacanang para bigyan pa ng ngipin yung inanunsyong POGO ban at tuloy-tuloy yung mga law enforcement operations. Pero obviously kulang na kulang pa rin.

Yung mga POGO bosses na yan malamang nandito pa rin. Hindi pa lumalabas. Kasi ino-oversee pa nila yung pag-morph ng kanilang POGO operations sa mas maliliit, guerrilla-like operations. May mga bago pa silang modus. Mga travel ads. Kunong travel ads sa simula. Pero sa mag-signify ng interest, parang pa sa sign-in nila at i-recruit nila sa mga scam operations na pala.

At meron na silang mga nabiktima. May labing dalawang mga Filipino naghihintay pang ma-rescue sa Myanmar. Yung at least isa sa kanila, ni-rape ng Chinese boss nila. So yung gender dimension nito, kitang-kita pa rin natin, nagpapatuloy ng matindi.


And so the accountability again of public officials, ang linaw, pinoint out namin yan sa committee report na kaya’t pagkatapos ng appropriate investigation ng mga relevant agencies, kasuhan din sila.

Kasama si Mayor Criseldo Calugay ng Sual. Dahil nabunyag ng mga hearings namin na yung staff niya ang [tumulong] magpanotaryo dun sa affidavit ni Guo Hua Ping kahit wala na pala nun sa Pilipinas si Guo Huaping.

Hindi po mamamayagpag yung mga POGO na yan kung walang ganyang mga public officials na nagpoprotekta sa kanila. And I’m very happy that we are reaping the fruits of our years-long investigation against POGOs, pati dun sa pag-de-list ng Pilipinas, sa FATF. Finally, sa gray list na iyon. At ibig sabihin, ganyang kalala financially as well, internationally as well, yung dinalang mga problema ng POGO dito sa atin.
Nagsusumbong din yung mga dating POGO employees na pinalilipat lang sila sa mga casinos. Pero pinagpapatuloy pa rin sa kanila yung mga dating scam operations. So, kulang na kulang pa rin sa kabila ng marami ng efforts. Kaya, bagamat pinagpapasalamat ko yung mga iyon, hindi pa rin ako satisfied. At dapat hindi tayong lahat masatisfied kahit ang gobyerno. Dahil maganit talaga na bunutin yung weeds ng POGO na iyan at talagang itapon sa apoy.

Q: During your series of investigation sa POGO, doon na-discover yung possible Chinese spy. And then ngayon, may na-arrest po na tatlong Chinese na may kasamang Pinoy na nag-iikot daw sa mga military camps, including din sa may Malacanang, na may dala silang surveillance sa equipment na kaya nilang makuha yung mga cellphone number at iba pang mga data. So, nakakabahala po ba ito?

- Advertisement -

SRH: Nakakabahala at nakakagalit talaga. Ang kakapal talaga ng mga mukha, di ba? Ang tatapang talaga ng mga apog, di ba? Kasunod na yan ng, di ba, yung unang naarestong mga diumanong Chinese spies, na yung ganyang mga espionage equipment nila, nakaturo dun sa isang coastline ng West Philippine Sea.

So, talagang nagsasalubong na yung mga issue, yung mga haka-haka, at yung mga ebidensyang lumabas kahit dun sa aming mga POGO hearings, konektado yan sa presensya ng Tsina sa ating energy system, sa ating power sector, yung kanilang presensya sa ating telecommunication sector. At yan, ngayon nakikita natin yung hindi pa talaga masettle na issue ng espionage, sa palibot ng ating mga military at naval at air force camps.

Hindi pa rin nasettle yung issue ni Shi Zhejiang, yung confessed Chinese spy na nagsabing si Guo Huaping ay kapwa, tawag ng NICA agent of influence. So nakakabahala po talaga at nagpapakita na yung presensya ng Tsina, hindi lang sa West Philippine Sea, pero sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan at ekonomiya, ay intertwined din dito sa usapin ng POGOs.
Q: At ang nakakalungkot na may kasabwat na Pinoy na binabayaran daw na about 2,500 a day.

SRH: Wow! Di ba?
Q: So talagang… 2,500 nga ba? Tour guide.
SRH: Wow! Baka maingit yung mga totoong tour guides at operators natin na sobrang nag-suffer at di pa nakaka-recover mula ng panahon ng pandemya. So talagang nakakalungkot at sobrang nakaka-disappoint at galit kung may mga kababayan pa tayong tumutulong sa mga Tsinong ito na mag-espiya sa ating sariling bayan.
Q: Bukod sa PNP na yung sa international student nila na nakidnap, possibly may kinalaman daw sa POGO. Tapos tumataas din by 40 na yata yung cases na may kinalaman sa kidnapping ng Chinese nationals. Thank you.
SRH: Well, yung pag-ingidnap nila sa isa’t isa, maaga nang lumabas yun na problema, diba? Bago pa nating tuluyang at matinding inimbestigahan ang POGO at yung epekto nila sa ating mga Pilipino. Pero kung yung nauna na nilang pagkikidnap sa isa’t isa, at sabi noon, kaugnay ng pagkakautang dahil sa gambling, kung yan ay may resurgence ngayon, tapos nangingidnap pa sila ng mga Pilipino,at kung mga estudyante pa, kung pumapatay pa sa mga driver o household staff nila, ay talagang nakakatakot. At kung yung kidnapping as a whole ay may resurgence dahil sa POGO, so ayan, nakikita na naman natin kung paano ang POGO ay naging pugad talaga ng iba’t ibang mga krimen laban sa ating mga Pilipino at laban pa sa mga dayuhan dito sa Pilipinas. So, napakalaking public safety issue talaga.

Q: Dapat po bang payagan ng BI yung tinatawag na self-deportation kasi marami daw dun sa mga na-arresto, mga hindi lang mga POGO bosses, pero yung mga POGO employees, na mga POGO bosses, pero yung mga POGO employees na mga Chinese who are being allowed na mag-sept deportation, sila yung aalis sa Pilipinas? Or dapat po ba yung BI, yung gobyerno, yung mag-insure na talagang pupunta sila doon sa destination nila? Kasi may mga reports din ng PAOC na nakuha na nagkakaroon ng parang stopover. At doon, pag nag-stopover, nakakatakas yung mga na-deport na POGO employees. And hindi natin alam kung makakabalik sila sa Pilipinas o pupunta sa ibang lugar para makapambiktima ulit.
SRH: That’s interesting and important. Lalo na kung yung stopover ay mga bansa. Halimbawa tulad ng Cambodia na dati nang hub ng POGO at mula doon dito sila pumunta at noong araw ng SONA, pagkatapos i-anunsyo ang ban, na-pick up yung chatter sa mga Chinese websites na yung mga POGO dito ay naghahandaan nang lumipat o bumalik sa Cambodia na naman. Na alam din natin na human trafficking destination para sa mga Pilipino na binibiktima sa mga POGO at scam hubs doon.

Importante din iyan dahil naging pattern din dati na halimbawa yung mga dineport mula rito, mula sa POGO Hubs dito, ay bumabalik lang naman. Or kung hindi pa nakakaalis dito, halimbawa yung POGO Hub sa Porac, Pampanga, yung mga workers doon later nahanap sa POGO Hub doon naman sa Cebu. Showing yung interlocking directorates din ng mga POGO Hubs dito sa Pilipinas.

- Advertisement -

Or, yung mga na-rescue sa POGO hubs sa ibang bansa, inuwi dito mga kababayan natin, nagre-repeat victimization doon sa ibang bansa. So, importante sana na kahit may so-called self-deportation, na in fact, isa sa mga unang ipinanawagan ng ating mga otoridad, syempre, kung lalabas sila sa Pilipinas, dadaan naman sila. Dapat! Dadaan naman sila, dapat dadaan naman sa Bureau of Immigration And for any vetting as well ng ating mga law enforcement authorities na innocent victim survivors ba sila, pa self-deport or nagkaroon ba sila ng criminal record dito, dapat malaman din lalo na kung later on magtutour na naman sila dito or papasok na naman bilang workers.

At kung may ganong mga criminal records either way, sana magkaroon ng cooperation, coordination sa mga immigration authorities dun sa ibang mga bansa. Whether yung final destinations nila or kung saan man sila posibleng mag-stopover para siguruhin na talagang makakarating sa dapat pupuntahan at hindi magdi-detour somewhere to the detriment ng hindi lang Philippine pero regional na efforts na tapusin itong POGO nightmare na ito.
Q: Gawing mandatory instead of payagan yung sinasabi nga nilang self-deportation?
SRH: Well, ngayon ko rin lang narinig kasi yung term na self-deportation. Kung deportation talaga, so dapat may organized action sa panig ng sending government at yung pagtanggap din sa kanila nung receiving government or gobyerno man ang home country nila.

Q: May naka-file na bill si, I think it was Senator Jinggoy na, para palakasin yung espionage law sa Pilipinas. Kasi sunod-sunod na naman yung arrest ng mga Chinese national allegedly involved in spying. And sinasabi po ng AFP and NBI, although hindi nila pinangalanan yung China, pero state-sponsored daw yung mga galaw ng mga tao na ito.
SRH: I definitely agree with SP Pro Temp, Jinggoy Estrada, at maaga ko na rin ipinanawagan na i-update at palakasin yung ating anti-espionage laws. Lalo na ang Tsina, for one, meron siyang mga espionage or national security laws na nire-require yung mga mamamayan nila, kahit yung mga state-owned enterprises nila na nag-nenegosyo dito sa Pilipinas o kahit sa ibang bansa na kapag hiningan nila ng impormasyon, obligado silang magbigay, kahit siguro to the point of spying. So, sinusuportahan ko din yung panawagan ng NICA nung nagsalita sila sa huling hearing ng Senate Committee on Women tungkol sa POGOs na precisely i-update at palakasin yung ating anti-espionage law dahil yun ay originally para lamang sa times of war. Pero peacetime, wala po. E nag-iba na yung espionage. Hindi lang tuwing gyera ginagawa ng ibang mga bansa. Kahit tulad ngayon, wala namang gyera, wala namang hot war. Pero ayan, patuloy yung pag-aresto ng ating law enforcement authorities sa mga dayuhang ito, mga Tsino, na di umano nag-e-espiya pala sa atin.

Q: Parang may collaboration na nangyayari from certain individuals or sectors supporting yung Chinese narrative tuwing may issue na lumalabas. Many times na-obserbahan na yung social media natin flooded with Chinese narratives. Supposedly, may mga sumusuporta sa kanila. How do you look at this na nangyayari instead of supporting yung Philippine stand? Kung minsan ay mas matimbang pa yung pagsuporta doon sa narrative ng mga Chinese authorities.

SRH: Yan ay bahagi talaga ng influence operations ng Tsina sa buong mundo. And we feel it very strongly here in the Philippines. Na tuwing bubuli nila tayo sa West Philippine Sea or merong anumang issue na may ginagawa silang masama o mali sa atin, maglalabas talaga sila nung kanilang mga propaganda na pinasisinungalingan yung nararanasan ng ating mga mangingisda o Coast Guard o Philippine Navy o iba pang mga kababayan. Gina-gaslight nila tayo na ‘hindi naman namin ginawa yun and in fact, kayo, Pilipinas, mga Pilipino, ang lumalabag sa aming karapatan.’ And I would expect that from Chinese state-owned media. Pero hinding-hindi ko aasahan at hinding-hindi ko matanggap. At talagang sobrang masakit marinig o mabasa o makita mula sa sariling mga kababayan. It’s very regrettable. Not something na aasahan sa kababayan o sa isang mamamayan ng Pilipinas. Unfortunately, yun ang name of the game ngayon ng Beijing. But talagang lumalaban talaga yung kalooban ko sa ganyang gawi ng ilan nating mga kababayan.

Q: Related to the 2025 election, may mga grupo na nanawagan na huwag suportahan yung mga supposedly a suspected or candidates who are suspected to be supporting yung Chinese narrative or masyado silang tahimik when it comes to issues regarding the West Philippine Sea and POGO and other issues related to the relations between the Philippines and China. Would you support such kind of call, ma’am?

SRH: Partly. Yung mga tahimik, baka may iba’t iba silang konsiderasyon. Although I think regrettable yung pananahimik dahil pag inaatake yung ating bayan, pag inaatake yung ating mga kababayang mangingisda o Coast Guard o Navy personnel, dapat nagsasalita tayo. Pero I would support that call dun sa mga sinasabing sumusuporta sa Chinese narrative. May termino nga kahit dati pa eh, Manchurian candidates. Yung mga sumusuporta o sinusuportahan ng Beijing. Kasi ang linaw na eh kahit sa mga napaka-recent issues, kung ganong kasama ng mga state-sponsored ng Tsina na mga gawain dito sa ating bansa. Yan man ay POGO, yan man ay pakikialam sa ating energy sector, yan man ay pakikialam sa ating telecommunication sector, yan man ay tahasang pag-espionage laban sa ating bansa.

So, at this point in time, klarong hindi natin kaalyado ang Tsina. At kapag may importanteng proseso tayong gagawin, tulad ng eleksyon, na pipili tayo ng ating mga leader, dapat klarong para sa Pilipinas at national interest ang kanilang magiging pag-gogobyerno o pagpapasa ng mga batas. At hindi para sa interes ng Tsina na makakasakit sa interes ng ating bayan.

Q: Ma’am, you remember after po nung SONA ng presidente na sinabi niya nga po na i-ban na yung POGOs, there was a time na wala na talaga yung mga scam texts, parang nanahimik po talaga lahat. Why do you think nagkaroon po ng resurgence recently?
SRH: Yeah, napansin ko rin nga yan eh. And it’s really very worrying. Na totoo, dumadami na naman yung mga kababayan natin, kahit yung mga kamag-anak natin, mga kaibigan, nagre-reklamo na, whoa, may resurgence na naman ng mga scam texts and messages. Kung para nga, nung panahon ng Hulyo, Agosto, nung nakaraang taon, ang daming ang nakapansin na wow, talagang drop, kung hindi man zero, steep drop ng volume so may realization na oh talagang revenue stream din niyan ng POGO so kung mag-resurge niya ay indication na nakahanap na naman ng secure footing ang reinvented POGOs para sa sarili nila, so bukod sa ang laking estorbo na naman ng scam texts at messages sa atin, very worrying kung naka-land na naman on their two feet ang mga POGOs na ito.
Dapat yung mga loopholes doon sa Executive Order 74, dapat ma-address. Lalo na yung provision dyan sa EO na iyan na “excludes online games of chance conducted in Pagcor-operated casinos, licensed casinos, and junket agreements.” Pinoint out ko na ito kay ES Bersamin. Meron silang ilang kinorect sa EO pero ito ay hindi pa talaga. At dapat maipasok ito sa ipapasa naming Anti-POGO law. Dahil otherwise, maghahanap at makakahanap ng masusuotan, even in the law, yang mga POGO na iyan sa pamamagitan pa ng Pagcor. So ano to ah, wake up call ito, serving of notice ito sa Pagcor na huwag nilang papayagan itong mga reinvented POGOs makahanap ng espasyo sa mga casino at mga casinos na may junket agreements na nasa ilalim ng jurisdiction ng Pagcor. And we will, as best as we can, we will see to it that they won’t be able to sa batas na ipapasa namin. And this is a call again to the Executive na gawin din yan sa EO nila.
Q: Do you think there should be a moratorium muna sa mga, lalo na yung mga online casinos, gambling? Dahil nga po, alam natin naglilipatan yung mga POGO so this might be an opening for them.
SRH: I think that would be a very good option to consider. Kung hindi makakatch up yung law enforcers sa pag-stamp out ng POGOs, kung may dangerous openings pa rin o loopholes sa EO, kung hindi pa naipasa ang batas, I think a moratorium would be a very good option for the Executive to consider all the way from Malacanang to Pagcor itself. Yes, why not? Bakit hindi nila pag-aralan yan?
Q: Sabi nga daw ni Senate President Chiz Escudero, dapat aralin din yung impact ng PIGO.
SRH: Right. Agree. PIGO, POGO, baka hindi lang isang letra ang difference. But first things first, ipatupad natin 100% yung POGO ban as provided in the SONA pronouncement, the report ng Senate Committee on Women, yung EO, yung Bill banning POGOs. Dahil kapag magawa natin yan, then mas mahusay din natin mahaharap yung legislative at saka any executive challenges na hinaharap naman dun sa PIGO naman. Halaw sa transcript ng Kapihan sa Senado with Senator Risa Hontiveros ng Senate of the Philippines

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -