28.9 C
Manila
Biyernes, Mayo 23, 2025

Pagkatapos ng ban sa mga POGO, nais ni Chiz ng review ng mga operasyon ng PIGO

- Advertisement -
- Advertisement -

GUSTO ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ng cost-benefit analysis ng mga lisensya ng Philippine Inland Gaming Operators (PIGOs) na inisyu ng Philippine Amusement Gaming Corporation (Pagcor) upang makita kung ang mga operasyong online gaming na ito na madaling ma-access ng maraming Pilipino ay sulit na ipagpatuloy.

Ayon kay Escudero, ang operasyon ng mga PIGO ay hindi napapansin sa gitna ng lahat ng mga kontrobersiya na pumapalibot sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs at nagpahayag ng pagkabahala na ang una ay halos nag-aalok ng parehong mga online na laro sa mga kliyente na karamihan ay mga lokal.

“Ang POGO, mga dayuhan ang nagsusugal diyan, dayuhan ang nasisira ang pamilya, nalululong sa sugal, nawawalan ng pera dahil sa sugal. Pinagbawal natin, pero pinayagan natin ‘yung PIGO — Philippine  Inland Gaming Operations — kung  saan ang nagsusugal ay Pilipino, hindi dayuhan,” sabi ni Escudero sa isang press conference noong Biyernes.

“Ang nawawalan at nauubusan ng pera ay Pilipino at hindi dayuhan, at malamang sa malamang ‘yung mga dating POGO ay nagtatago sa likod ng PIGO,” dagdag pa niya.

Nanindigan ang Senate President na dahil ang parehong mga isyu na ibinangon laban sa mga POGO ay maaaring i-level laban sa mga PIGO, dapat mayroong pantay kung hindi mas malaking pag-aalala tungkol sa mga epekto nito.

“Marahil dapat ay tignan at review-hin din ito dahil ‘yung mga sinusubukan nating iwasang masasamang bagay, pagkakamali, pagkukulang ay tila nand’yan din sa PIGO na ang tatamaan pa ay sarili natin mismong kababayan at hindi mga dayuhan lamang,” sabi niya.

Pagkatapos ay inatasan ni Escudero ang Pagcor na gumawa ng malalim at malinaw na pagsusuri sa mga PIGO upang matukoy ang mga benepisyo ng industriya sa bansa at mabigyan ang publiko ng malinaw na larawan kung ano ang kanilang pinapasok sa pamamagitan ng paglalaro ng online games.

“Pwede bang makuha ‘yung datos mula sa Pagcor? Pwede bang makuha natin ‘yung datos mula sa anumang relevant government agency kabilang ang BIR (Bureau of Internal Revenue)? Magkano nga ba nakukuha natin dito? And like the questions we ask in relations with POGO, is it worth it?” dagdag niya.

Kung matukoy na ang mga PIGO ay nagiging isang mapanirang puwersa sa buhay ng mga Pilipino, partikular ang mga mahihirap at mga may maliit na kita, sinabi ni Escudero na dapat simulan ng gobyerno na isaalang-alang kung ang pagbabawal na katulad ng mga POGO ay maayos.

“Alam ko malaking pera ang nakukuha ng Pagcor dito. Malaking source of revenue ito at income sa parte ng pamahalaan, pero kung natatalikuran nga nila ‘yung malaking revenue at income din sa POGO, walang rason para hindi nila kayang talikuran din ‘yung malaking income sa PIGO kung nakakasama na talaga na ito sa ating mga kababayan na sa palagay ko ay oo,” Escudero pointed out.

Naalala niya kung paano naglabas ng executive order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa patuloy na pagsuspinde sa lahat ng operasyon ng e-sabong sa buong bansa noong 2022, batid ang negatibong epekto ng mga aktibidad sa pagsusugal sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.

Noong Hulyo ng nakaraang taon sa kanyang State of the Nation Address, ipinagbawal ni Pangulong Marcos ang lahat ng operasyon ng POGO sa bansa epektibo noong Disyembre 2024.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -