34.8 C
Manila
Miyerkules, Abril 30, 2025

Villanueva pinuri si PH tennis sensation Alex Eala sa kanyang tagumpay sa 2025 Miami Open

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGHAIN si Senador Joel Villanueva ng isang resolusyon na nagbibigay pugay at papuri kay tennis star Alexandra Eala sa kanyang pambihirang tagumpay sa 2025 Miami Open.

Larawan mula sa Facebook page ni Senator Joel Villanueva

Pinaparangalan din ng Senate Resolution No. 1330 si Eala sa paggawa niya ng kasaysayan bilang kauna-unahang Filipina na pumasok sa Top 100 ng Women’s Tennis Association (WTA) world rankings.

“Alex’s achievement serves as an inspiration to young athletes across the country and proves that with hard work and perseverance, Filipinos can compete and triumph on the world stage,” sabi ni Villanueva.

Bago makarating sa semifinals, tinalo muna ng 19-anyos na tennis star at 2022 US Open Junior Girls’ singles champion sina World No. 73 Katie Volynet at No. 25 at 2017 French Open champion Jelena Ostapenko bago pinadapa sina World No. 5 at 2025 Australian Open winner Madison Keys at World No. 2 at five-time Grand Slam champion Iga Swiatek.

Yumuko si Eala kay World No. 4 Jessica Pegula sa semifinals sa score na 7-6(3), 5-7, 6-3.


Tinapos ni Eala, na nakapasok sa 2025 Miami Open bilang wild card entry, ang kanyang pambihirang kampanya bilang World No. 75 mula No. 140.

“Our national athletes are starting to make a mark on the world stage, which is why we need to invest in them,” diin ni Villanueva.

Si Villanueva, na dating national athlete, ay isa sa mga pangunahing taga-suporta ng sports development sa pamamagitan ng mga isinusulong niyang batas. Inihain niya ang Senate Bill No. (SBN) 932 o Bayaning Atletang Filipino Act, na naglalayong magtatag ng isang national endowment fund para sa mga sports hero at SBN 569 o Sports Varsity Teams in Basic Education Act, na magtatatag ng varsity sports teams sa elementary at high school. Ulat mula sa website ng Senate of the Philippines

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -