AYON sa Philippines Statistics Authority (PSA), bumagsak sa 1.1% ang overall inflation para sa bottom 30% income households nitong Marso 2025, mula sa 1.5% noong Pebrero 2025.

Bumaba nang husto ang food inflation sa 0.2%, mula sa 0.8% noong nakaraang buwan—malayo sa 7.4% noong Marso 2024.
Ang pagbaba ay dulot ng mas mabagal na pagtaas ng presyo ng food (2.3% mula 2.6%) at non-food items (1.4% mula 1.6%).