28.5 C
Manila
Linggo, Hunyo 15, 2025

328 low-income barangays, mabibigyan ng pondo para magka-access sa early childhood development initiatives

- Advertisement -
- Advertisement -

MAAYOS na pundasyon para sa mga bata, na magpapatibay naman ng pundasyon ng ating bansa—ito ang hatid ng mga Child Development Centers na maipatatayo na sa joint circular signing ng Department of Education (DepEd) at mg Department of Budget and Management (DBM), ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ginanap ang paglagda sa Ceremonial Hall ng Malacañan Palace nitong Abril 3, 2025.

Ngayong 2025, 328 low-income barangays sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mabibigyan ng pondo para magka-access sa early childhood development initiatives. Bukod pa ito sa First 1,000 Days cash grant sa ilalim ng 4Ps, Supplementary Feeding Program, School-Based Feeding Program, at Walang Gutom Program na nakatuon sa pagsuporta sa paglaki ng mga batang Pilipino.

Ang Joint Circular ay nagbibigay ng mga alituntunin para sa mga local government units (LGUs) na magtatag ng mga CDC na pinondohan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund – Financial Assistance to LGUs (LGSF-FA). Ang inisyatibang ito ay naglalayong pahusayin ang pag-access sa mga pasilidad ng pangangalaga at pagpapaunlad ng mga bata, partikular sa mga lugar na mababa ang kita gaya ng itinampok ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) sa kanilang Year 2 Report. Ang ulat ay nagbibigay-diin na ang pagtatatag ng mga CDC ay mahalaga para sa epektibong pagpapatupad ng mga programa ng Early Childhood Care and Development (ECCD).

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -