MASAYANG ibinalita ni Senator JB Ejercito na hindi na lang basta “volunteer” ang ating Barangay Health Workers. Sa ilalim ng Senate Bill No. 2838 o Magna Carta of Barangay Health Workers, malapit na nating mabigay ang nararapat na benepisyo at pagkilala sa kanila.
Mas mataas na honoraria: P3,000 para sa registered BHWs at P5,000 para sa certified BHWs
Allowance para sa transportasyon, pagkain, at serbisyo sa delikadong sitwasyon o Public Health Emergency
Insurance, cash gift tuwing Disyembre, at service recognition incentive
Libreng legal assistance at mas mabilis na access sa livelihood programs