VINETO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang batas na magbibigay ng Filipino citizenship sa isang Chinese businessman na umano’y konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) dahil sa babala ng mga ahensiya sa posible nitong banta sa seguridad ng bansa. Ito ang naging pahayag ni Presidential Communications Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro nitong Biyernes (Abril 11).

Ipinaliwanag ni Castro sa isang press briefing sa Malakanyang na hindi maaaring magbulag-bulagan si Pangulong Marcos sa mga nakaaalarma at mga ipinagtapat na mga banta,” laban kay Li Duan Wang.
“I am unable to blindly ignore the alarming and revealing warnings raised by our relevant national agencies that find the subject grantee’s character and influence to be full of ominous and dark consequences, if not of a clear and present danger,” sinipi ni Castro ang sinabi ng Pangulo.
“Ang ipagsawalang bahala ang babalang ito ay tila pagsuway sa ating tungkulin sa sambayanang Pilipino,” dagdag pa ni Castro.
Sinabi ni Castro na ang pagkakaloob ng Filipino citizenship ay isang pribilehiyo at hindi dapat ibigay nang libre sa sinumang dayuhan. Hindi ito dapat gamitin bilang kasangkapan para sa pagsulong ng mga kahina-hinalang interes, dagdag niya.
Ayon sa Pangulo, ang pagbibigay ng Filipino citizenship sa isang dayuhan ay hindi lamang pagbibigay ng legal na karapatan sa taong iyon.
“Binubuksan natin ang buong karangalan ng ating kasaysayan, ang ating lahi, at ang ating pamana,” Castro sabi ni Castro.
“Unang-una po nais ipaalam ng Pangulo na kung may kaduda-dudang interes at hindi naman bingi ang ating Pangulo para dinggin at pakinggan kung ano yung kanyang mga nakukuhang mga data or facts about supposed to be grantee,”sabi ni Castro.
“Kung nagkaroon man ng desisyon ang Kongreso na patawan o bigyan ng Philippine citizenship itong si Li Duan Wang, hindi po kumbinsido ang Pangulo,” paliwanag ni Castro. Halaw sa ulat ng Presidential News Desk