28.9 C
Manila
Biyernes, Mayo 23, 2025

Nais ni Gatchalian ng linaw sa epekto ng US Tariff Hike sa OFWs, trabaho

- Advertisement -
- Advertisement -

NAIS ni Senador Win Gatchalian na alamin ang posibleng epekto ng pagpapataw ng 17% reciprocal tariff ng Estados Unidos sa Pilipinas, lalo na’t nananatiling pinakamalaking export market ng bansa ang Amerika.

“Bagama’t tila may kalamangan ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Asean pagdating sa reciprocal tariffs ng Estados Unidos, kailangang tukuyin natin ang posibleng epekto nito sa ating mga overseas Filipino workers at sa industriya ng business process outsourcing, lalo na’t parehong madaling maapektuhan ang mga ito ng pandaigdigang pagbagsak ng ekonomiya,” ani Gatchalian.

Sa paghahain niya ng Senate Resolution 1343, binigyang-diin din ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagsusuri sa maaaring epekto ng mga abala sa supply chain at ang posibilidad na umalis ang ilang mga manufacturer upang makaiwas sa taripa.

Ayon sa paunang datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa kabuuang $12.12 bilyon ang na-export ng Pilipinas sa Estados Unidos noong 2024, katumbas ng 16.6% ng kabuuang export ng bansa at mas mataas ng 4.7% kumpara sa $11.55 bilyon na naitala noong 2023.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -