UMANGAT nang bahagya ang real GDP growth sa 5.4% noong unang quarter ng 2025. Ano ang dahilan ng pagtaas ng GDP growth rate? Aabutin kaya ng bansa ang 6-8% GDP growth sa 2025 ?
Noong unang quarter, ang paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ay tumaas sa 5.4% mula sa 5.2% noong huling quarter ng 2024. (Table 1) Ngunit mas mababa ito kaysa sa tina-target na 6-8% ng mga economic authorities para sa buong 2025.
Anu-ano ang mga dahilan ng pag-akyat nito?
Una, ang agrikultura ay lumukso ng 2.2% mula sa negatibong paglago noong nakaraang taon. Nagtala ito ng -1.6% na pagbagsak noong ikaapat na quarter. Walang El Niño, bagyo at anumang sama ng panahon na nanalasa sa unang quarter at mukhang tututloy ito hanggang sa ikalawang quarter. Dahil dito, umakyat ang tabako ng 78.1%, cacao ng 22.7%, sugarcane ng 19.0%, rubber ng 13.6%, poultry at egg production ng 9.4%, coffee ng 8.9%, other animal production ng 3.8%; pineapple ng 2%; at support activities ng 2.0%. . Sinundan ito ng other crops, 2.0%; fishery, 1.5%; saging, 1.4%; at palay, 1.1%. Ngunit nanatiling negatibo ang mangga (-7.9%), mais (-3.0%), forestry (-2.3%), livestock (-2.3%), at niyog (-0.7%).
Ikalawa, ang industriya ay lumago ng 4.5%, kapareho noong huling quarter ng 2024. Tumaas nang bahagya ang manufacturing ng 4.1%, at mining and quarrying ng 2.2%. Ngunit tinabla ang paglagong ito ng pagbagal ng construction (6.8% mula sa 7.7%) at electricity (3.8% mula sa 5.7%). Sa manufacturing, namayagpag ang leather manufacture (33.3%), tobacco products (16.1%), beverages (15.3%), printing and reproduction of recorded media (13.6%), electrical equipment (13.1%), textiles (11.0%), paper and paper products (10.3%), machinery and equipment except electrical (10.3%), food products (10.0%), at wood manufactures (7.7%).
Ikatlo, ang services sector ay bumagal sa 6.3% mula 6.7% na paglago noong ikaapat na quarter noong isang taon ngunit ito pa rin ang pinakamalakas na sektor ng ekonomiya. Nanatiling masigla ang transportation and storage (9.8%), financing and insurance (7.2%), wholesale and retail trade (6.4%), accommodation and food service activities (5.7%), at information and communication (5.6%).
By expenditure share, bumandera ang government consumption ng 18.7%; inunahan ng pamahalaan ang napipintong ban ng public works sa panahon ng eleksiyon. Nakabawi ang household consumption ng 5.3% habang pabulusok pababa ang inflation rate. Ngunit dahil mataas pa ang interest rates, ang Gross Capital Formation (GCF) ay nanatiling matumal sa 4.0% noong unang quarter dahil sa pagbagsak ng construction. Ngunit and Durable Equipment o ang pamimili ng makinarya para sa mga pagawaan ay nagulantang sa pagtulog at nagtala ng 6.7% na paglago mula sa napakatumal na 0.1% noong huling quarter.
Nakabawi nang malakihan ang exports of goods and services sa 6.2% na paglago. Parehong namayagpag ang exports of goods at exports of services.
Bumalikwas sa unang quarter ang merchandise exports na lumago ng 5.2%. Nakabawi ang other exports (23.2%), electronics (6.7%), agricultural products, (5.7%), at ignition wiring sets (3.9%). Ngunit naging matumal ang copper cathodes (-88.3%), fishery products (-13.4%), woodcraft and furniture (-11.2%), processed food and beverages (-2.2), metal components (-0.8%), at machinery and transport equipment (-0.5%).
Masigla rin ang exports of services na lumago ng 7.2%. Sa buong 2024, nanatiling malusog ang miscellaneous services (48.8%), telecommunications, computer at information technology services (19.4%), manufacturing services (16.9%), insurance and pension services (10.5%), transport (7.7%), government goods and services (4.2%), at travel (3.5%). Ngunit humina ang business services (1.7%).
Hindi man naabot ang pinakamababang growth projection na 6%, ang bansa ay pumangalawa sa ASEAN sa GDP growth noong unang quarter. Nauna ang Vietnam sa 7.0% growth nito; pumangatlo ang Indonesia sa 4.9%; na sinundan ng Malysia (4.4%), Singapore (3.9%), at Thailand (inaasahang3.4%).
Sa 2025, malaki ang tsansang makabawi ang ekonomiya bansa. Pababa na ang inflation sa pinakamababa nitong antas na 1.4% noong Abril. Naniniguro ang mga negosyante at analysts na bawasan ulit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang policy rate ng 25 bps sa susunod na miting nito.
Maaaring maabot uli ang 6.0-8% growth na pino-project sa Medium-Term Development Plan kung patuloy ang pagbaba ng inflation at ang plano na pagbaba ng interest rates. Mukhang mas maganda ang outlook ng weather sa 2025 kaysa noong nakaraang taon. Walang inaasahang tagtuyot at mild lang ang La Niña. Ngunit nakaambang parang kutsilyo sa leeg ang panggugulo ng mga taripa ni Pangulong Trump na maaaring manalasa sa mga exports ng mga bansa sa ASEAN.
Table 1. ECONOMIC GROWTH, BY SECTOR | |||||||||||
2 0 | 2 3 | 2 0 | 2 4 | 2025 | |||||||
Real Growth in % | Q1 | Q2 | Q3 | Q4 | 2023 | Q1 | Q2 | Q3 | Q4 | 2024 | Q1 |
GROSS NATIONAL INCOME | 9.9 | 8.5 | 12.0 | 11.1 | 10.5 | 9.8 | 8.1 | 6.8 | 6.3 | 7.6 | 7.5 |
Net primary income from the rest of the world | 81.8 | 90.4 | 111.4 | 98.2 | 97.0 | 57.8 | 25.8 | 20.0 | 14.7 | 26.1 | 24.6 |
GROSS DOMESTIC PRODUCT | 6.4 | 4.3 | 6.0 | 5.5 | 5.5 | 5.9 | 6.5 | 5.2 | 5.3 | 5.7 | 5.4 |
AGRICULTURE | 2.3 | 0.2 | 1.0 | 1.3 | 1.2 | 0.5 | -2.3 | -2.7 | -1.6 | -1.6 | 2.2 |
INDUSTRY | 4.1 | 1.9 | 5.6 | 3.2 | 6.5 | 5.2 | 7.9 | 5.0 | 4.5 | 6.8 | 4.5 |
Mining & Quarrying | -2.1 | -2.8 | 5.0 | 10.5 | 2.0 | 0.5 | 6.6 | 1.3 | -4.1 | 1.3 | 2.0 |
Manufacturing | 2.2 | 1.0 | 1.8 | 0.7 | 1.3 | 4.6 | 4.0 | 2.9 | 3.3 | 3.6 | 4.1 |
Electricity | 6.9 | 4.6 | 6.3 | 5.4 | 5.8 | 6.9 | 9.3 | 7.1 | 5.7 | 7.3 | 3.8 |
Construction | 11.1 | 3.4 | 14.6 | 8.5 | 8.8 | 7.1 | 15.9 | 9.0 | 7.7 | 10.3 | 6.8 |
SERVICES | 8.2 | 6.0 | 6.8 | 7.4 | 7.1 | 7.0 | 6.9 | 6.3 | 6.7 | 6.7 | 6.3 |
ECONOMIC GROWTH, BY EXPENDITURE SHARE | |||||||||||
HOUSEHOLD CONSUMPTION | 6.3 | 5.4 | 5.1 | 5.3 | 5.5 | 4.7 | 4.8 | 5.2 | 4.7 | 4.9 | 5.3 |
GOVERNMENT CONSUMPTION | 5.9 | -7.3 | 6.4 | -1.3 | 0.3 | 2.6 | 11.9 | 5.0 | 9.0 | 7.3 | 18.7 |
GROSS CAPITAL FORMATION | 13.7 | 0.8 | 0.9 | 11.2 | 6.3 | 0.8 | 11.5 | 12.8 | 5.5 | 7.7 | 4.0 |
GROSS FIXED CAPITAL FORMATION | 11.0 | 4.2 | 8.3 | 10.3 | 8.2 | 2.3 | 9.6 | 7.7 | 5.0 | 6.3 | 5.9 |
Construction | 14.9 | 2.3 | 12.9 | 10.3 | 9.2 | 7.2 | 16.0 | 9.1 | 7.7 | 10.4 | 6.8 |
Durable Equipment | 7.9 | 11.1 | 1.8 | 14.7 | 8.9 | -5.5 | -4.5 | 7.9 | 0.1 | -0.5 | 6.7 |
EXPORTS OF GOODS & SERVICES | 0.8 | 4.5 | 2.7 | -2.7 | 1.3 | 7.1 | 0.1 | -3.5 | -4.3 | 3.3 | 6.2 |
Exports of goods | -15.1 | -1.1 | -2.6 | -11.5 | -7.5 | 7.6 | 0.5 | -3.7 | -4.6 | -0.7 | 5.2 |
Exports of services | 20.1 | 10.7 | 12.2 | 12.3 | 13.9 | 9.0 | 7.6 | 2.0 | 13.2 | 7.9 | 7.2 |
SOURCE: Philippine Statistics Authority |