33.6 C
Manila
Biyernes, Mayo 23, 2025

Presnilla pinatunayang kayang makipagsabayan sa pagsusulat

- Advertisement -
- Advertisement -

PINATUNAYAN ni Presnilla Pangadlin, isang Grade 6 learner mula Caglayag Elementary School, na kaya ring makipagsabayan ng mga bata mula sa multigrade schools nang makapasok siya ng 2025 National Schools Press Conference #NSPC2025 sa Ilocos Sur.

Nahubog pa rin ang kanyang talento sa pagsulat kahit na maliit at malayo ang kanyang paaralan.

Dala ngayon ni Presnilla ang bandera ng Caraga para sa Column Writing. Isa siyang simbolo ng pag-asa at pantay-pantay na pagkakataon para sa bawat bata, anuman ang kanilang pinagmulan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -