29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

DBM Sec Pangandaman, inapubrahan ang pagpapalabas ng mahigit P1.4 B para sa PAyapa at MAsaganang PamayaNAn Program

- Advertisement -
- Advertisement -
BILANG pagtugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran, inapubrahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang pagpapalabas ng mahigit P1.4 bilyon para sa pagpapatupad at pag-monitor ng PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) Program.
Larawan mula sa DBM
Ang programa, na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay binubuo ng micro-level interventions na tumutugon sa conflict o kaguluhan at pagpapalakas ng peace-building efforts, gayundin ang pagsuporta sa reconstruction at pagpapaunlad ng conflict-affected at vulnerable na mga lugar.
“We immediately approved the release of SARO, amounting to P1.4 billion, for the implementation of PAMANA Program, as we fully support President Ferdinand R. Marcos Jr.’s peace and national development agenda,” ayon kay DBM Sec. Mina Pangandaman.
“Mahalaga po na magtuluy-tuloy ang PAMANA program dahil ito ‘yung nagbibigay-suporta sa pangmatagalang pag-unlad ng lokalidad, lalo na ‘yung mga vulnerable communities sa bansa,” dagdag pa ni Sec Mina.
Ang PAMANA program ng DSWD ay ipinatutupad sa dalawang bahagi: ang PAMANA Peace and Development Project at ang PAMANA Local Government Unit (LGU)-Led Livelihood Track.
Layunin ng PAMANA Peace and Development Project na palakasin ang mga conflict-vulnerable at conflict-affected na rehiyon at mga katutubong pamayanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas mahusay na access sa mga pangunahing serbisyo at plataporma kung saan maaaring magpanukala ng mga proyekto ang mga komunidad base sa kanilang pangangailangan.
Para sa bahaging ito ng programa, nasa kabuuang P351.071 milyon ang inilaan para sa capacity building ng 198 target na lugar/komunidad sa mga rehiyon ng CAR, I, II, IV A-B, VI-VIII, X, at XIII.
Samantala, ang PAMANA DSWD/LGU-led livelihood Track ay binubuo ng mga programang pangkabuhayan na ipinatutupad kasama ang mga LGU para i-akma ang mga subproject sa ilalim ng PAMANA Peace and Development Track. Layunin nitong mapabuti ang socio-economic condition ng mga benepisyaryo na nasa conflict-affected at vulnerable na mga lugar tungo sa sustenableng pag-unlad.
May kabuuang P1.049 bilyon naman ang inilaan para sa bahaging ito ng programa para sa 981 target na lugar para sa mga Sustainable Livelihood Associations sa mga rehiyon ng CAR, II-VI, NIR, IX, at XIII.
Ang inilaang pondo para sa PAMANA Program ay manggagaling sa Specific Budget ng DSWD sa ilalim ng FY 2025 General Appropriations Act (GAA). Sa halagang ito, P500 milyon ang nakalaan para sa peace and development case management process na layong tumulong sa healing process ng mga indibidwal, pamilya, at komunidad mula sa mga trauma na dulot ng armed conflict na kanilang pinagdaanan upang mapalakas ang kanilang katatagan, alinsunod sa Special Provision ng DSWD budget sa ilalim ng FY 2025 GAA.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -