26.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

DBM Sec Pangandaman, pinasalamatan ang Senado sa pag-apruba ng Government Optimization Act sa ika-huling pagbasa

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang Department of Budget and Management (DBM), sa pangunguna ni Secretary Amenah “Mina” Pangandaman, sa pag-apruba ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ng Government Optimization Act ngayong ika-2 ng Hunyo 2025.

Sa plenary session nitong Lunes, ipinasa ng Senado ang Senate Bill 890, o ang Optimization Bill, na naglalayong magtatag ng isang wasto, episyente, at tumutugon na pwersa ng manggagawa upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko.

“We are grateful to the esteemed members of the Senate, under the able leadership of Senate President Chiz Escudero, for prioritizing the passage of the Government Optimization Act. Its approval is a testament to our commitment to bureaucratic efficiency, consistent with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. Through the Government Optimization Program, we will strengthen various government entities by ensuring that they perform their respective functions effectively which will ultimately benefit the Filipino people,” ayon kay Secretary Mina.

Ang Optimization Bill ay isa sa mga priority measures sa ilalim ng Common Legislative Agenda of the Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito rin ay kabilang sa mga panukalang batas na hinimok ng Pangulo sa mga mambabatas na unahing ipasa sa kanyang unang State of the Nation Address.

Oras na maisabatas, inaasahang magpapatupad ito ng mga transformational reform initiatives sa pamamagitan ng pagpapadali at pagpapabilis ng mga operasyon ng iba’t ibang ahensya ng Executive Branch at pag-optimize ng kanilang organizational structure at manpower complement, na hindi nangangahulugang pagtatanggal ng mga trabaho.

Idinisenyo rin ang Government Optimization Program upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga function, programa, at proyekto na redundant, overlapping, o hindi na kinakailangan; pagpapalakas ng mga sektor/ahensya na nangangailangan ng karagdagang resources; at pagpapabuti ng interoperability sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno.

Nilalayon din nitong i-streamline ang mga sistema at proseso ng mga ahensya sa pamamagitan ng iba’t ibang management systems improvement at productivity enhancement initiatives upang mas mahusay na mapagsilbihan ang publiko.

Ang Optimization Bill ay inaasahan na sasailalim sa bicameral conference committee deliberation sa Martes, ika-3 ng Hunyo 2025.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -