29.6 C
Manila
Linggo, Hunyo 15, 2025

Bakit aabot ang impeachment ni VP Sara sa 20th Congress?

- Advertisement -
- Advertisement -

KAUNA-UNAHAN sa kasaysayan ng Pilipinas na nakasuhan ng impeachment ang isang Bise-Presidente ngunit kahit masimulan ang mga proceedings, tiyak nang hindi maipagpapatuloy ng 19th Congress ang paglilitis.

Sa unang araw ng muling pagbubukas  ng Senado nitong Lunes, Hunyo 2, 2025, naglabas ito ng pabalita kung saan sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ang plenaryo ang siyang magdedesisyon kaugnay ng lahat ng may kinalaman sa impeachment ni Vice President Sara Duterte at inihahanda na nito ang pagpe-presenta ng Articles of Impeachment sa darating na Hunyo 11, 2025.

Ayon pa kay Sen. Escudero, na ipinagpaliban ang dapat sanang Hunyo 2 na presentasyon ng Articles of Impeachment, kahit natuloy ito nakatali pa rin sa congressional calendar ang Senado. Maaari lamang itong gumalaw sa loob ng nakatakdang procedural timeframes.

“Nakalagay sa rules na 10 days from receipt. So kung June 3 napadala (ang summons), June 13 ang deadline, adjourned na ang Senado. Kung June 11 naman pinadala, ang 10 days will be on June 21 na adjourned na rin ang Senado by that time,” saad ng Senador.


Base sa panuntunan ng Senado, may 10 araw ang Bise Presidente at limang araw naman ang House prosecutors na sagutin ang mga summon. Kung may motion o pagtutol pa, kinakailangan pa nito ng deliberasyon ng plenaryo at saka pa maaaring simulan ang paglilitis.

May anim na sesyon na lamang ang plenaryo simula Hunyo 2 hanggang Hunyo 14, kung kaya sa 20th Congress na magaganap ang full trial, ayon sa Pangulo ng Senado.

Magsisimula ang 20th Congress sa Hulyo 28, kung saan may 12 umalis na senador ng 19th Congress at papasok na 12 mga bagong halal na senador.

Samakatwid, hindi maipagpapatuloy ng 19th Congress ang paglilitis at ayon  pa kay Escudero sa isang ulat, technically, hindi nila maaaring obligahin ang 20th Congress na ipagpatuloy ito.

- Advertisement -

Magkagayunman, positibo ang Senador na bagama’t ito ay posible, sinabi nitong bilang impeachment court, isang “continuing body” ang Senado. Nangangahulugan ito na maaaring ipagpatuloy ng 20th Congress ng Senado ang paglilitis na sinimulan ng 19th Congress.

Base sa panukalang schedule,gaganapin ang oath-taking  ng bagong halal na senator-judges sa Senado na siyang impeachment court sa Hulyo 29, 9:00 am at susundan ito ng plenary session sa hapon. Magsisimula naman ang paglilitis sa Hulyo 30 mula 9:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.

Pag-unawa sa mga reklamong isinampa kay VP Sara

Upang lalo nating maunawaan ang impeachment case ng Ikalawang Pangulo, unawain natin ang mga reklamo sa kanya. Ayon sa reklamong impeachment na inaakusa sa kanya , si VP Sara ay nag-commit ng “high crimes,” kasama ang korapsyon at ang diumano’y assassination plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Ang mga akusasyon sa kanya ay nagsimula sa paglalabas at paggastos niya ng P125 milyon na confidential at intelligence funds o CIFs sa loob ng 11 araw noong umupo siya sa pagiging vice president at kalihim ng Department of Education noong 2022.

Ang kontrobersyal na confidential fund

- Advertisement -

Noong Disyembre 2022, nakatanggap ang Office of the Vice President (OVP) ng P125M confidential funds mula sa Contingent Fund na diumano ay nagastos sa loob lamang ng 11 araw.

Noong Agosto 2024, nag-isyu ang Commission of Audit (COA) ng P73.28M Notice of Disallowance

Hanggang Abril 2025, hindi nag-isyu ang COA ng final resolution tungkol dito.

Timeline ng impeachment case ni VP Sara

Narito ang detalyadong timeline ng impeachment case laban kay Pangalawang Pangulong Duterte, mula sa pagsisimula ng mga reklamo hanggang sa inaasahang paglilitis sa Senado.

Disyembre 2024 – Pagsisimula ng mga keklamo

Disyembre 2, 2024 – Isinampa ang unang impeachment complaint na nilagdaan ng 16 na tao laban kay VP Sara Duterte ng mga civil society organizations, relihiyosong lider, at pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings. Inakusahan si VP Sara ng graft and corruption, bribery, betrayal of public trust at ibang high crimes. Inendorso ito ni Rep. Percival Cendaña ng Akbayan Party-list.

Disyembre 4, 2024 – Isinampa ang ikalawang reklamo ng mahigit 70 indibidwal mula sa mga marginalized na sektor, na inendorso ng Makabayan bloc partikular na sina Representatives France Castro, Arlene Brosas at Raoul Danniel Manuel.

Disyembre 19, 2024 – Isinampa ang ikatlong reklamo ng mga relihiyosong grupo at abogado, na inendorso nina Rep. Gabriel Bordado at Rep. Lex Anthony Colada.

Disyembre 25, 2024 – Inihayag ni VP Duterte na tutulong ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang collaborating lawyer sa kanyang kinakaharap na kaso.

Enero 2025 – Pagpapatibay ng mga reklamo

Enero 10, 2025 – Kumpirmado ng House Secretary General na ang tatlong impeachment complaints ay na-verify na.

Pebrero 2025 – Pag-apruba ng Kamara

Pebrero 5, 2025 – Inaprubahan ng Kamara ang ikaapat na reklamo na pinagsama-sama ang mga naunang reklamo, na inendorso ng 215 mambabatas, kabilang si Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos. Agad itong ipinadala sa Senado para sa paglilitis.

Pebrero–Mayo 2025 – Mga legal na hamon

Pebrero 14, 2025 – Naghain ng petisyon sa Korte Suprema si Atty. Catalino Generillo Jr. upang pilitin ang Senado na agad simulan ang paglilitis.

Pebrero 18, 2025 – Naghain ng petisyon ang mga abogado mula sa Mindanao upang pigilan ang paglilitis base sa tingin nilang ito ay depektibo.

Abril 2025 – Nag-file si VP Sara ng Supreme Court petition para ipatigil ang paglilitis

Hunyo–Hulyo 2025 – Inaasahang Paglilitis sa Senado

Hunyo 2, 2025 – Pagbabalik ng sesyon ng Senado at pagkakansela ng presentasyon ng Articles of Impeachment na inilipat sa Hunyo 11.

Hulyo 28, 2025 – Inaugural session ng ika-20 Kongreso ng Senado.

Hulyo 29, 2025 – Panunumpa ng mga bagong halal na senador bilang hukom sa impeachment court.

Hulyo 30, 2025 – Inaasahang pagsisimula ng impeachment trial.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -