30.1 C
Manila
Lunes, Hunyo 15, 2026

Legarda pinangunahan ang pagsasaayos ng mga pamanang kultural

- Advertisement -
- Advertisement -

BINIGYANG-DIIN ni Senador Loren Legarda ang kahalagahan ng pagpreserba ng mga makasaysayang Filipino heritage sites upang makapagpundar ng isang bansang matibay at mataas ang kamalayan.

Pinangunahan ni Legarda ang turnover ng dalawang isinaayos na gusali — ang Casa Tribunal de Patnongon at San Juan Nepomuceno Parish Church (Anini-y Church) noong Hulyo 17, 2025 sa lalawigan ng Antique.

“Heritage is about clarity. When we understand where we came from — what  we built, what we lost, what we survived — we  begin to understand who we are,” wika ni Legarda.

“And that understanding is vital to how we move forward.”

Sinuportahan ni Legarda ang hakbang na ito sa pamamagitan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) para sa restoration ng dalawang gusali.

Casa Tribunal de Patnongon

Ang lumang Casa Municipal o munisipyo daan ay saksi sa mayaman na kasaysayan ng Patnongon.

Kabilang sa pagsasaayos na ginawa rito ay ang pagtutok sa orihinal na pader, ang pundasyon, at paglalatag ng linya ng tubig at kuryente.

Ang gusali ay nagsilbing korte at opisina ng pamahalaan noong panahon ng Kastila at Amerikano.

Ginamit rin ito ng mga sundalong Hapon bilang lugar para i-torture ang mga Filipino. Napulbos ang gusali noong matapos ang giyera.

“In essence, this place began humbly as a casa — made of bamboo, wood, and straw — built to mark Patnongon’s birth as a town. This origin story matters,” paglalahad ni Legarda.

“It reminds us that we are a people who fought for our freedoms and held onto an identity distinct in its own right — wholly Filipino, and fiercely refusing to be diminished.”

San Juan Nepomuceno Parish Church (Anini-y Church)

Kinokonsidera naman ng marami na isa sa pinaka-preserved na simbahan ang San Juan Nepomuceno Parish sa buong Antique.

Itinayo ang istraktura mula 1845 hanggang 1879 gamit ang estilong Baroque, gamit ang materyales tulad ng coral reefs, at pinagtibay ng puti ng itlog.

Kita rin sa façade ng simbahan ng mga nakaukit na Baroque carvings, kabilang na rito ang isang triangular pediment, at dekoratibong mga haligi.

Makikita naman sa loob ang retablo na gawa sa kahoy, de-arko na kisame, at mga religious shrine na sumasalamin sa daang-taong debosyon ng mga residente.

Ginamit din ito ng mga Aglipayan mula sa pagtatapos ng panahon ng Kastila hanggang 1906 noong binalik nila ito sa Iglesia Katolika.

Kinilala rin ang pundasyon nitong gawa sa coral reefs sa pagpapanatili rito, dahil hindi nasira ang simbahan noong World War 2, isang 8.2-magnitude na lindol noong 1948, at isang malakas na bagyo noong 1973.

“This is why we must care for churches like San Juan de Nepomuceno. Our aim is not to create museum pieces, but to keep its memory alive in the spaces where it first took root,” eksplika ni Legarda.

“Let this be our promise: that long after we are gone, our children — your children — will still walk into this place, feel its history, and know they belong to something greater. While its presence is a gift, it also remains our responsibility.”

Bilang tagapagtaguyod ng kasaysayan sa Senado, nagsilbing may-akda si Legarda ng ilang mahahalagang batas tulad ng Philippine Cultural Heritage Act, Cultural Mapping Law, at iba pa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -