29.5 C
Manila
Martes, Hunyo 16, 2026

 Lolo, Lola, panatag ba ang inyong pagtanda?

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG JUAN)

- Advertisement -
- Advertisement -

Uncle, happy grandparents day pala!

Oo nga, Juan. Nakita ko nga si Lolo Vic kanina, naglalakad mag-isa sa palengke. Payat na payat, at parang hirap na hirap sa pagbitbit ng pinamili. Naawa ako, Uncle. Hindi ba dapat nagpapahinga na lang sila sa bahay at inaalagaan ng mga anak?

Oo nga, Juan. Ganyan ang sitwasyon ng maraming Lolo at Lola natin. Ang pagtanda, dapat sana ay panahon ng pamamahinga at pag-ani ng pinaghirapan. Pero para sa marami, ito ay nagiging panahon ng pag-aalala sa pera, lalo na kung hindi nakapaghanda noong bata pa.

Sa Pilipinas, ang senior citizens o iyong mga taong may edad 60 at pataas ay 8.5 porsiyento ng buong populasyon, ayon sa 2020 census. Ito ay katumbas ng higit kumulang sa 9.2 milyong Pilipino. Mas lamang ang babaeng senior citizen kesa sa mga lalaki sa 55 porsiyento.

Itinuturing na haligi ng pamilya ang ating mga senior citizens. Sila ang nagtatag ng pundasyon para sa kasalukuyang henerasyon. Ngunit sa kabila ng kanilang mahalagang papel, marami sa kanila ang nahaharap sa matinding hamon sa pananalapi sa kanilang pagtanda.


Ayon sa mga pag-aaral, malaking porsyento ng ating mga senior citizens ang walang sapat na pensyon o ipon para sa kanilang pagreretiro. Marami ang umaasa na lamang sa suporta ng kanilang mga anak, na madalas ay may sarili ring pamilya at pinansyal na hamon.

Kaya ang epekto ng kawalan ng pondo para sa pagtanda ay malaki at mabigat na hamon para sa buong pamilya. Hindi ito magandang senyales lalo na kung isasaalang-alang ang tumataas na gastos sa pamumuhay, lalo na sa gamot at serbisyong medikal na madalas kailangan ng mga nakatatanda. Ang kawalan ng financial security sa pagtanda ay maaaring magdulot ng mas malalim na problema, hindi lang sa pinansyal kundi pati na rin sa emosyonal at mental na kalusugan ng ating mga Lolo at Lola.

Magdudulot din ito ng matinding financial stress sa mga senior citizens at sa kanilang mga pamilya, na puwedeng magkaroon ng mental health issues, lalo na kung ang pag-asa ng buong angkan ay nakasalalay sa iisang tao, o kung ang mga senior citizens mismo ay nakakaramdam ng pagiging pabigat.

Pero ano nga ba ang mga pangunahing hamon sa pananalapi ng ating mga senior citizens? At paano ba ito dapat harapin?

- Advertisement -

Unahin natin ang mga hamon:

Una, ang kakulangan sa pensyon at ipon.

Marami sa ating mga senior citizens ang hindi nakapag-ambag sa SSS o GSIS nang sapat, o kung nakapag-ambag man, ang kanilang pensyon ay hindi sapat para matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Ang iba naman ay walang ipon dahil sa hirap ng buhay.

Pangalawa, ang mataas na gastos sa medikal.

Habang tumatanda, dumarami ang pangangailangan sa gamot, check-up, at iba pang serbisyong medikal. Kahit may diskwento para sa senior citizens, malaki pa rin ang gastos, lalo na kung may malubhang sakit.

Pangatlo, ang kawalan ng trabaho o pagkakakitaan.

- Advertisement -

Mahirap nang makahanap ng trabaho ang mga senior citizens, kahit gusto pa nilang magtrabaho. Limitado ang kanilang pagkakakitaan, na nagpapahirap sa kanila na maging independent.

Pang-apat, ang pagiging dependent sa pamilya.

Dahil sa kakulangan ng sariling pondo, marami ang umaasa na lamang sa kanilang mga anak o kamag-anak. Bagama’t bahagi ito ng ating kultura, nagdudulot ito ng dagdag na pasanin sa mga anak at minsan ay nagiging sanhi ng tensyon sa pamilya.

Panglima, ang pagiging madaling maging bottoms ng scams.

Dahil sa kanilang edad at minsan ay kawalan ng kaalaman sa modernong teknolohiya, ang mga senior citizens ay madalas target ng mga scammer na nangangako ng mabilis na kita o tulong.

At panghuli, ang pagtaas ng presyo at pagbaba ng purchasing power.

Ang halaga ng pera ay bumababa sa paglipas ng panahon. Ang pensyon o ipon na sapat noon ay maaaring hindi na sapat ngayon dahil sa inflation.

Paano ba dapat maghanda para sa pagtanda at paano matutulungan ang ating mga senior citizens?

Una, ang maagang pagplano at pag-iipon.

Habang bata pa, magsimulang mag-ipon para sa pagreretiro. Mag-ambag sa SSS/GSIS nang regular at mag-invest sa iba pang financial instruments.

Pangalawa, ang edukasyon sa pananalapi o financial literacy:

Hindi lang para sa mga bata, kundi pati na rin sa mga nasa gitnang edad. Mahalagang matuto kung paano pamahalaan ang pera, mag-ipon, at mag-invest.

Pang-apat, ang pagkakaroon ng health insurance:

Mahalaga ang pagkakaroon ng health insurance habang bata pa para may proteksyon sa pagtanda. Ang PhilHealth ay malaking tulong, ngunit mas maganda kung may karagdagang insurance.

Pang-lima, ang pagpapatuloy ng pagkakaitaan:

Kung kaya pa, maghanap ng mga part-time na trabaho o negosyo na angkop sa edad at kakayahan ng senior citizen.

Pang-anim, ang pagkakaroon ng  Emergency Fund:

Para sa mga hindi inaasahang gastos, lalo na sa medikal.

Pang-pito, ang pagtatatag ng will o estate plan:

Para maiwasan ang problema sa mana at matiyak na maayos ang pamamahala sa mga ari-arian.

Pangwalo, ang suporta ng pamilya at komunidad:

Mahalaga ang papel ng pamilya sa pag-aalaga sa mga senior citizens. Ngunit dapat ding magkaroon ng suporta mula sa komunidad at gobyerno sa pamamagitan ng mga programa at serbisyo.

At ang panghuli, ang kaalaman sa mga benepisyo ng senior citizen:

Mahalagang malaman ng mga senior citizens at ng kanilang pamilya ang lahat ng benepisyo at diskwento na kanilang karapatan sa ilalim ng batas.

Ang pagtanda ay isang yugto ng buhay na dapat sana ay puno ng kapayapaan at kasiyahan. Ngunit para sa marami sa ating mga Lolo at Lola, ito ay nagiging panahon ng pag-aalala sa pera.

Bilang isang lipunan, responsibilidad nating tiyakin na ang kanilang pagtanda ay maging panatag at hindi isang pasanin. Simulan natin sa pagpaplano at pagbibigay ng sapat na suporta.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -