28.5 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Lacson makikiisa kay Gatchalian, kasundong mambabatas patungo sa pork-free budget

- Advertisement -
- Advertisement -

PARA kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson, “breath of fresh air” ang inisyatibo ni Senate Finance Committee chairman Sherwin Gatchalian para tiyakin ang transparency sa paghubog ng pambansang budget.

Umaasa si Lacson, na nakilala bilang tagabantay ng kaban ng bayan, na maging kaakibat ang kapwa niyang pro-transparency na senador sa pagtiyak na walang “pork” sa budget.

“Maganda ang panukalang i-upload (ang documents at) makikita sa website. Malaking bagay ang malaman lang kung sinong nag-insert. Mag-aatubili ang congressman o senador na mag-insert ng walang kakwenta-kwentang budget na walang planong ipagawa at hindi naaayon sa tinawag ng Pangulo na hindi naka-align sa NEP,” aniya sa panayam sa BNC Lunes ng gabi.

Dagdag ni Lacson, wala siyang dahilan para magduda kay Gatchalian, na aniya’y “breath of fresh air” at titiyaking gagawin ang kanyang nais gawin.

Nitong Lunes, ibinunyag ni Gatchalian na ipapa-upload niya sa website ng gobyerno ang mga dokumentong may kinalaman sa budget process, simula sa budget request ng mga ahensya hanggang General Appropriations Bill at General Appropriations Act.

Ani Gatchalian, ito ay tungo sa isang “golden age of transparency and accountability.”

Diin ni Lacson, na muling naghain ng panukalang titiyak sa paglahok ng publiko sa budget process kabilang ang bicameral conference committee, handa siyang makiisa kay Gatchalian at kasundong mambabatas na basagin ang kultura ng mala-pork barrel na pagsingit at pag-realign sa budget.

“I just hope kasi pag break mo ang cycle at kultura ng budget insertion at realignment, medyo malaki ang challenge. So siguro magtulong-tulong kaming mga like-minded na senador, pagtulung-tulungan namin na maging transparent talaga ang entire budget process,” aniya.

More at: https://pinglacson.net/2025/08/05/lacson-to-work-with-gatchalian-like-minded-solons-towards-pork-free-budget/

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -